Paghahanda sa pasukan

Magbubukas na ang klase sa Lunes. Ang tanong, handa na ba talaga tayo?

The post Paghahanda sa pasukan first appeared on Abante.

paghahanda sa pasukan - Paghahanda sa pasukan
86817040 2537146873225075 6045312283259699200 n 2 - Paghahanda sa pasukan

Magbubukas na ang klase sa Lunes. Ang tanong, handa na ba talaga tayo?

May ilang mga estudyante sa pribadong paaralan ang nauna nang nagbalik-eskwela. Nagtrending pa nga ang hashtag na ‘Academic Freeze Now’. Pero mukhang wala na talagang atrasan at tuloy na tuloy na ang unang araw ng pagbabalik ng ating mga anak sa pampublikong eskwelahan.

Kung malaking pagsubok ang distance learning sa mga guro, mabigat din ang responsibilidad na nakaatang sa katulad nating mga magulang na magiging kaagapay ng ating mga anak sa pag-aaral sa new normal.

Narito ang ilang bagay na pwedeng gawin bilang paghahanda sa pagbubukas ng klase.

1. Maglaan ng corner o space sa inyong bahay para sa pag-aaral ng inyong mga anak. Kahit gaano pa kaliit ang ating mga tahanan, pwedeng isang sulok o kaya ay lamesa kung saan sila pwedeng magsagot ng activities, magbasa, at umattend ng online class. Isang hamon kasi kung paano sila makukumbinsing mag-aral sa loob ng bahay lalo’t ito rin ang lugar kung saan sila nagpapahinga, naglalaro at nakikipagbonding sa pamilya.

2. Ipaliwanag sa kanila ang magiging sistema sa bagong mode of learning. Isa-isang ikwento ang pagkakaiba ng magiging set-up ng noon sa ngayon at kung bakit ito kailangang gawin.

3. Ilatag sa kanila ang magiging schedule ng klase. Bigyan din sila ng schedule na akma sa iba pang activities sa bahay. Kasama na ang oras ng paggising at pagtulog, ilang oras lang sila pwedeng manood ng TV, maglaro o gumamit ng gadget (pero siguraduhing limitado lang ang screen time nila), pati na ang mga gawaing-bahay at iba pang aktibidad.

4. Magkaroon ng bukas na komunikasyon sa kanilang teachers. Konsultahin at hingan sila ng payo kapag nagkaproblema o may hindi tayo masagot na tanong ng ating mga anak.

5. Iparamdam sa kanila na handa tayong sumuporta sakaling mahirapan sila sa bagong sistema. Maging open sa kanila at laging ipaalala na handa kayong makinig ano man ang kanilang isyu o concern sa pag-aaral.

Dapat tayong magbaon ng maraming pasensya. Sigurado ako na hindi magiging madali sa ilang bata ang mag-adjust, kaya mahalagang iparamdam sa kanila na naiintindihan natin sila at hindi natin sila huhusgahan.

The post Paghahanda sa pasukan first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *