Paghahanda para sa mga kalamidad

Nito pong nakaraang Sabado at Linggo, dinalaw po natin ang ating mga kababayan sa Bulacan na sinalanta ng bagyong Ulysses.

The post Paghahanda para sa mga kalamidad first appeared on Abante.

paghahanda para sa mga kalamidad - Paghahanda para sa mga kalamidad
EDITORIAL LOGO MR TRABAHO Joel Villanueva - Paghahanda para sa mga kalamidad

Nito pong nakaraang Sabado at Linggo, dinalaw po natin ang ating mga kababayan sa Bulacan na sinalanta ng bagyong Ulysses. 

Nagpaabot po tayo ng mga relief goodsa tulong ng mga volunteer, mga baranggay Captain, at mga baranggay kagawad.

Lumubog po sa baha ang malaking bahagi ng Bulacan. Sa amin pong bayan ng Bocaue, hanggang dibdib ang tubigat napansin po natin na tila napakabagal ng paghupa nito.

Umapaw po kasi ang halos lahat ng ilog sa Bulacan tulad ng Sta. Maria River, Meycauayan River, San Miguel River, Maasim River, at iba pa, at naapektuhan ang maraming bayan at baranggay na nasa tabing-ilog at mga low-lying area.

Personal po nating nasaksihan ang hirap na dinanas ng ating mga kalalawigan. Batid rin po natin kung gaanokatindi ang sinapit ng marami nating mga kababayan sa iba pang mga lugar sa Central Luzon, Metro Manila, CALABARZON, Bicol Region, Cagayan, at Isabela.

Ibang klaseng “quarantine” po ang naranasan natin – marami ang na-trap sa loob ng kanilang mga bahay at hindi makababa ng mga bubungan dahil lubog sa tubigang unang palapag ng kanilang mga tahanan. 

Bagamat isa po sa mga itinuturong dahilan ng matindingbaha at paglambot ng lupa ang sunod-sunod na mga bagyo, tila naging malaking perwisyo po ang sabay-sabayna pagpapakawala ng tubig sa mga dam tulad ng Angat at Magat.

Ang volume ng tubig na pinakawalan sa mga dam ang dahilan ng malawakang pagbaha sa Bulacan, Isabela at Cagayan. Sa nakita po nating tindi at lawak ng baha, tilabiglaan ang pagpapakawala ng tubig kayat hindi kinaya ng kapasidad ng Magat River at Cagayan River.

Nauunawaan po natin na talagang hindi pwedengpaabutin sa spilling level ang ating mga dam dahil mas delikado po kapag pumutok ito. Subalit bakit nga po kaya kailangan pang hintayin ang kasagsagan ng pag-ulan at bagyo bago mag-release ng tubig samantalang pwedenamang gawin ito ng mas maaga dahil napre-predict naman ang lakas ng mga bagyo at kung saan ang sentronito?

Isa rin po sa pinagtataka natin ay kung paanong tilawalang malinaw na koordinasyon ang pangasiwaan ng mga dam sa ating mga awtoridad tulad ng Office of Civil Defense at maging sa mga LGU na may kakayanang magbigay ng mga tulong o rescue operation.

Dahil dito, di-magkamayaw ang mga netizen sa pananawagan sa social media para sa aerial rescue, relief good, donasyon, at higit sa lahat para sa panalangingilayo sa kapahamakan ang mga nasalanta.

Ang lahat po ng ito ay paalala sa ating lahat na dapatnating paghandaan ang mga kalamidad, lalo na ang mga bagyo na natutukoy ng PAGASA kung gaano ito kalakas at kung saang mga lugar ito magla-landfall. 

Halimbawa, dapat pong pag-isipan kung paanongmabibigyan ng mga life jacket at emergency o first-aid kitang mga bahay-bahay sa mga lugar na palaginglumulubog sa baha at kung paanong makakarating sa kanila nang mas maaga ang impormasyon ng paglikas.

Kailangan naman pong pagtuunan ng mga LGU angpagbili o paggawa ng mga rubber boat na pwedeng i-deploy anumang oras sa panahon ng matinding pagbaha.

Dapat na ring gumawa ang TESDA ng training regulation para sa mga first responder na angkop sa pangangailangan ng ating mga komunidad na nakakaranas ng iba’t ibang mga kalamidad taon-taon.

Inaasahan din po natin ang CHED, mga State Universities and Colleges (SUC) at maging mga pribadong unibersidadna bumuo ng mga programa para sa disaster risk management.

Samantala, umaasa po tayo na ang ilalaang 1.7-bilyongpisong budget sa PAGASA sa susunod na taon, 2021, ay magagamit nang wasto para sa pagsasaayos o pag-upgrade ng mga equipment sa pag-predict ng mga bagyoat rainfall intensity.

Patuloy po tayong gumagawa ng paraan para makapagpaabot ng tulong sa ating mga kababayan lakipang ating panalangin na nawa’y maghari ang pagkakaisaat pagtutulungan sa gitna ng mga krisis na dinaranasngayon ng bansa.

senatorjoelvillanueva@yahoo.com

The post Paghahanda para sa mga kalamidad first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *