Paggunita ng ‘National Frontliners Month’ tuwing Hunyo

Kung mayroong mga bagong bayani ngayong panahon ng pandemya, sila ang mga magigiting nating frontliners sa lahat ng sektor. Bilang pagpupugay at pagpapahalaga sa kanilang kabayanihan, nararapat lamang na ipakita natin sa ating mga bagong bayani ang pinakamataas na pagkilala lalo na’t sila ang nangunguna sa ating laban sa CoViD-19.

The post Paggunita ng ‘National Frontliners Month’ tuwing Hunyo first appeared on Abante.

paggunita ng national frontliners month tuwing hunyo - Paggunita ng ‘National Frontliners Month’ tuwing Hunyo
Win gatchalian 750x430 2 6 - Paggunita ng ‘National Frontliners Month’ tuwing Hunyo

Kung mayroong mga bagong bayani ngayong panahon ng pandemya, sila ang mga magigiting nating frontliners sa lahat ng sektor. Bilang pagpupugay at pagpapahalaga sa kanilang kabayanihan, nararapat lamang na ipakita natin sa ating mga bagong bayani ang pinakamataas na pagkilala lalo na’t sila ang nangunguna sa ating laban sa CoViD-19.

Inihain ko ang Senate Bill No. 1775 o ang ‘National Frontliners Month Act’ na nagsusulong na ideklara ang buwan ng Hunyo bilang National Frontliners Month.

Layon nito na kilalanin ang mga makabuluhang ambag ng mga frontliners sa pangangalaga sa kapakanan at kaligtasan ng mamamayang Pilipino sa pamamagitan ng pagbibigay ng pangunahing pangangailangan sa panahon ng sakuna, kalamidad at iba pang uri ng pinagdaraanang krisis.

Kabilang sa mga tinatawag na frontline workers na layong kilalanin ng naturang panukala ang mga healthcare workers, food delivery drivers, mga empleyado sa supermarket at mga kainan, gwardya, kawani ng mga lokal na pamahalaan, social workers, manggagawa sa agrikultura, mga pulis at mga sundalo. Kabilang din sa mga kinikilalang bayani sa panukala ang mga logistics workers, storekeepers, mga kolektor ng basura, empleyado ng bangko, kawani ng media at mga empleyado ng utility companies tulad ng tubig at kuryente.

Sinasakripisyo ng mga manggagawang ito ang sarili nilang kalusugan upang mapanatili ang kaligtasan ng bawat isa habang unti unti ring binubuksan ang ekonomiya. Naniniwala tayo na kailangang patuloy ang pagkilala sa mga frontline workers na itinuturing na mga bayani sa panahon ng pandemya.

Kapag naisabatas, isasabay ang panukalang ito sa pagdiriwang ng kasarinlan ng bansa, kung saan inaalala ang sakripisyo ng mga bayaning lumaban sa pananakop ng mga dayuhan.

Sa ilalim ng naturang panukalang batas, pararangalan din sa mga programang ito ang kahusayang ipinakita ng mga lokal na pamahalaan, pati na ang mga opisyal at empleyado ng mga barangay para sa pagganap ng kanilang mga tungkulin.

Walang duda, buong tapang at pagsisikap ang ipinapakita ng bawat Pilipinong frontliner. Sa kabila ng mga pangamba para sa sarili at pamilya, sa huli ay kanila pa ring pinipili na gawin ang kani-kaniyang mga tungkulin upang makapaglingkod sa lahat ng Pilipinong nangangailangan. Kaya saludo ako sa lahat ng frontliners! Hindi mapapantayan ang inyong malasakit sa bayan. #

The post Paggunita ng ‘National Frontliners Month’ tuwing Hunyo first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *