Pagbati ni Vice President Leni Robredo para sa Pasko, Bagong Taon 2020

Maligayang Pasko at Masaganng Bagong Taon sa inyong lahat mula sa aming pamilya at sa aming lahat dito sa Tanggapan ng Pangalawang Pangulo! Walang katulad ang Pasko at Bagong Taong ito.

The post Pagbati ni Vice President Leni Robredo para sa Pasko, Bagong Taon 2020 first appeared on Abante.

pagbati ni vice president leni robredo para sa pasko bagong taon 2020 - Pagbati ni Vice President Leni Robredo para sa Pasko, Bagong Taon 2020
EDITORIAL LOGO Barry Gutierrez usapang barrykada - Pagbati ni Vice President Leni Robredo para sa Pasko, Bagong Taon 2020

Maligayang Pasko at Masaganng Bagong Taon sa inyong lahat mula sa aming pamilya at sa aming lahat dito sa Tanggapan ng Pangalawang Pangulo! Walang katulad ang Pasko at Bagong Taong ito.

Walang Christmas parties at caroling; walang malalaking salo-salo; magdiriwang tayo nang hindi katabi ang isa’t isa.

Ngunit sa kabila ng napakaraming pagbabago sa mga tradisyong nakaugalian natin, humuhugot tayo ng lakas sa mga bagay na tiyak: Makakaasa tayo sa kabutihan ng ating kapwa; iisa tayong pamilya na sabay-sabay humaharap at bumabangon mula sa anumang pagsubok; lahat tayo, saklaw ng walang-hanggang pagmamahal ni Kristo.

Ito nga mismo ang ipinagdiriwang natin ngayong araw: Ang katotohanan na sa ngalan ng pag-ibig, pinili ng Panginoong makipamuhay sa atin. Pinili niyang makiisa sa buong lalim ng karanasan ng sangkatauhan.

Pinili niyang magkatawang-tao at magpakatao; na makipagkapwa at maging kapwa.

Sinundan natin ang Kanyang dakilang halimbawa sa sama-sama nating pagtugon sa krisis at mga nagdaang sakuna.

Mula sa pakikiisa sa ating mga healthcare workers at frontliners, pagdo-donate at pagvo-volunteer sa mga response at relief operations, hanggang sa simpleng pagsunod sa mga health protocols at pagpapalaganap ng tamang impormasyon tungkol sa virus—ang lahat ng ito, nagagawa natin dahil minamahal natin ang ating kapwa. Dahil nilalawakan natin ang sakop ng ating pinahahalagahan.

Dahil nagsisilbing gabay sa atin ang mensaheng dala ng pagsilang ni Kristo—mensahe ng pakikiisa, pag-asa, at pag-ibig.

Dalangin ko na patuloy tayong magbukas-palad, at ilapit ang diwa ng panahong ito sa puso at tahanan ng bawat pamilyang Pilipino.

Palakasin ang ugnayan sa mga magkakamag-anak, magkakaibigan, mga kasapi ng ating komunidad, hanggang masaklaw ang buong Pilipinas at sangkatauhan.

Makipagkuwentuhan, balikan ang mga karanasang nagbibigkis sa atin, ang mga pakikipagsapalaran, pati na ang kaligayahan at pagkabuhay ng loob na nadama natin sa maraming sandali ng taong ito. Humugot ng lakas mula sa isa’t isa.

Binago man ng pandemya ang paraan natin ng pagdiriwang, hindi maaaring mabawasan ang kabuluhan ng araw na ito, dahil walang pandemya o sakunang kayang umampat sa pagdaloy ng pag-ibig ng Maykapal.

Walang dilim na kayang magligaw sa atin, dahil tayo mismo ang liwanag ng bawat isa.

Tuloy ang bayanihan. Tuloy ang pag-asa. Tuloy ang pag-ibig. Muli, Maligayang Pasko at Masaganang Bagong Taon sa lahat ng Pilipino, saanmang sulok ng mundo.

The post Pagbati ni Vice President Leni Robredo para sa Pasko, Bagong Taon 2020 first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *