Pagbabanta

May diumanong pagbabanta ang Presidente ng Tsina sa Pilipinas kung sakaling tayo ay mag-explore ng langis sa West Philippine Sea. Ang pagbabantang ito ay inihayag ni Pa­ngulong Duterte, na ayon sa kanya, ito ang sinabi ni Xi ng Tsina.

The post Pagbabanta appeared first on Abante News Online.

pagbabanta - Pagbabanta
Abante Noel Cabangon Dito sa Kanto - Pagbabanta

dito sa kanto
Noel Cabangon

May diumanong pagbabanta ang Presidente ng Tsina sa Pilipinas kung sakaling tayo ay mag-explore ng langis sa West Philippine Sea. Ang pagbabantang ito ay inihayag ni Pa­ngulong Duterte, na ayon sa kanya, ito ang sinabi ni Xi ng Tsina.

Tila walang galit na reaksyon mula sa Pangulo ang ganitong pagbabanta ni Xi. At ang pagkakasabi pa ay tila pananakot sa atin na kailangan nating sumunod kung ayaw natin ng gulo.

Hindi na siguro naiisip ni President Duterte na atin ang teritoryo, at karapatan natin ang gusto nating gawin sa ating pag-aari. Parang kinokondisyon din n’ya ang utak ng mga Pilipino. Tulad ng lagi n’yang sinasabi, na wala tayong laban sa Tsina.

Talagang kinokondisyon­ nga na ganun na ang isipin natin para tapos na ang usapan. Huwag nang pagdebatehan.

Lagi’t lagi ko ring iginigiit na hindi naman tayo makikipaggiyera dahil hindi lang iyon ang solusyon sa problemang ito. Hindi rin tayo makikipaggiyera dahil alam natin na may diplomatikong paraan. Hindi rin natin sinasabing makikipaggiyera tayo dahil mayroon tayong pinanghahawakan na desisyon na sinasabing atin ang teritoryo at hindi sa Tsina.

Hindi tayo manggigiyera dahil gusto nating makapangisda sa sarili na­ting karagatan. Hindi tayo makikipaggiyera dahil ayaw natin ng giyera.

Pero para pagbantaan tayo at wala tayong gagawin para sagutin ang pang-iinsulto ay pag-atras at pagsuko sa ating karapatan, bilang bansa at bilang mga Pilipino. Tila ha­yagan ang pagkontrol na ito sa atin ng Tsina, dahil ang namumuno ng bansa ay hinaha­yaan itong gawin sa atin.

Kung tayo ay susuko sa mga pagbabanta, baka bukas makalawa ay wala na tayong pag-aaring karagatan. Wala na tayong sari­ling bansa. Walang kasarinlan. Walang kinabukasan.

The post Pagbabanta appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *