Pag-waive ng Manila Water sa kanilang singil, tagumpay ng mamamayan!

Itinuturing natin na isang malaking tagumpay para sa mga mamamayan ang gaga­wing pagkansela ng Manila Water sa mga bayarin ng kanilang mga konsyumer na naapektuhan sa biglaang paghina at pagkawala ng suplay ng tubig sa Metro Manila at karatig probinsiya nga­yong buwan ng Marso.

The post Pag-waive ng Manila Water sa kanilang singil, tagumpay ng mamamayan! appeared first on Abante News Online.

pag waive ng manila water sa kanilang singil tagumpay ng mamamayan - Pag-waive ng Manila Water sa kanilang singil, tagumpay ng mamamayan!
Abante Risa Hontiveros Usapang Kalusugan at Kababaihan - Pag-waive ng Manila Water sa kanilang singil, tagumpay ng mamamayan!

Itinuturing natin na isang malaking tagumpay para sa mga mamamayan ang gaga­wing pagkansela ng Manila Water sa mga bayarin ng kanilang mga konsyumer na naapektuhan sa biglaang paghina at pagkawala ng suplay ng tubig sa Metro Manila at karatig probinsiya nga­yong buwan ng Marso.

Ayon sa Manila Water, makikita sa billing statement sa buwan ng Abril ang pagkansela nila sa minimum charge sa March consumption ng kanilang mga konsyumer.

Naging isang mala­king tagumpay man ito para sa mga konsyumer, hindi tayo dapat puma­lakpak na lang at tumigil na dahil dito. Napakarami pa ang dapat gawin upang hindi na maulit muli ang ganitong mga pangyayari kung saan higit isang milyong Pilipino ang naging apektado sa kawalan ng suplay ng tubig. Ako ay umaasa na ang ganitong pangyayari ay maging paunang hakbang upang mabusisi natin ang mga concession agreement na pinapasok ng ating gobyerno sa mga pribadong kompanya, maging ang pagbulatlat muli sa pangkalaha­tang privatization policy ng pamahalaan sa mga pampublikong serbisyo tulad ng tubig.

Bilang vice chair ng Senate Committee on Health, nananawagan din ako sa Manila Water na isunod ang pag-reimburse sa mga pampublikong ospital dahil sa perwisyong hatid ng kawalan ng tubig sa kanilang operasyon at serbisyo publiko.

Ayon sa datos ng Department of Health (DOH), anim na pampublikong ospital ang grabeng nalugi na umaabot sa P4.116 mil­yon sa gitna ng krisis sa tubig. Mula Marso 8 hanggang 18, ang Rizal Medical Center (RMC), Quirino Memorial Medical Center (QMMC), National Kidney and Transplant Institute (NKTI), National Center for Mental Health (NCMH), East Avenue Medical Center (EAMC), at ang Amang Rodriguez Memorial Medical Center (ARMMC) ay nagtala ng added operational costs na umabot sa P1.372 milyon.

Samantala nooong Marso 12 hanggang 18, ang RMC at NKTI ay nawalan ng kita na umabot sa P630,000 at P1.75 milyon respectively, o sa kabuuan na P2.38 milyon, dahil sa napwersa silang limita­han ang pangtanggap ng kanilang mga pasyente dahil sa krisis sa tubig.

Sa parehong prinsipyo ng pananagutan sa kanilang mga konsyumer, nararapat na ireimburse ng Manila Water kaagad ang mga pampublikong ospital, at kailangan nilang pagbayaran ng danyos ang pagkaharap ng mga ospital at kanilang mga pasyente sa maraming banta sa kalusugan noong nagkaroon ng krisis sa tubig. Dapat tumupad sa kanilang pangako ang Manila Water na bayaran lahat ng mga naapektuhan ng krisis sa tubig at ng maibalik nila ang tiwala ng kanilang mga pinagsisilbihang konsyumer.

Noong nagkaroon ng pagdinig sa Senado dahil sa krisis na ito, sinabi ng mga namumuno sa RMC na gumastos sila ng P100,000 para sa biglaang pagbili ng water contai­ners, P50,000 sa bottled water at P260,000 para sa pag-upgrade ng pump para sa tangke ng tubig. Gumastos din sila ng gasolina para sa mga firetruck na magbobom­ba ng suplay na tubig sa ospital.

***
Sa mga nagnanais na magpadala ng katanu­ngang pangkalusugan at pangkababaihan kay Senator Risa Hontiveros, sumulat lamang sa itanongkayrisa@gmail.com.

The post Pag-waive ng Manila Water sa kanilang singil, tagumpay ng mamamayan! appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *