Pag-asa

Dear Abante:
Isang mapagpalang araw sa ating lahat!
Isa ako sa mga taong nanlumo, nadismaya at nalungkot noong ipinatigil ang operasyon ng lotto sa ating bansa. Para sa taong kagaya ko, ang lotto ay nagsisilbing pag-asa upang makaahon sa kahirapan at kahit papaano ay magbagong buhay.

pag asa - Pag-asa
Sulat kay Editor - Pag-asa

Sulat kay Editor

Dear Abante:
Isang mapagpalang araw sa ating lahat!
Isa ako sa mga taong nanlumo, nadismaya at nalungkot noong ipinatigil ang operasyon ng lotto sa ating bansa. Para sa taong kagaya ko, ang lotto ay nagsisilbing pag-asa upang makaahon sa kahirapan at kahit papaano ay magbagong buhay.

Ang P24 mong ginastos sa isang taya ay maaaring bumalik sa iyo ng libo o kaya naman ay milyon kung ikaw ay papalaring manalo, ‘easy money’ kung sabihin nila kaya nga labis ang aking naramdamang kasiyahan nang muling ibalik ang lotto dahil muli nanaman akong nabuhayan at nagkaroon ng pag-asa na mababago ang aking buhay.

Lagi pa ring tandaan na magsumikap at huwag lang aasa sa kapalaran.
Mary
Dasmariñas, Cavite

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *