Pag-aalaga ng mga parke, isusulong ng bagong NPDC exec

Pagtutuunan ng bagong talagang Executive Director ng National Parks Development Committee (NPDC) ang pag-aalaga ng Rizal Park upang mapanumbalik ang dati nitong sigla bilang isang duyan ng nasyonalismo ng Pili- pinas at maging tanyag sa buong mundo.

The post Pag-aalaga ng mga parke, isusulong ng bagong NPDC exec appeared first on Abante News Online.

pag aalaga ng mga parke isusulong ng bagong npdc exec - Pag-aalaga ng mga parke, isusulong ng bagong NPDC exec
Abante rizal - Pag-aalaga ng mga parke, isusulong ng bagong NPDC exec

TRAVEL&LEISURE

Pagtutuunan ng bagong talagang Executive Director ng National Parks Development Committee (NPDC) ang pag-aalaga ng Rizal Park upang mapanumbalik ang dati nitong sigla bilang isang duyan ng nasyonalismo ng Pili- pinas at maging tanyag sa buong mundo.

Si Cecille Lorenzana-Romero ay nanumpa bilang bagong Executive Director ng NPDC kay Department of Tou-rism (DOT) Secretary Bernadette Romulo-Puyat. Ang NPDC ay isang sangay ng DOT, alinsunod sa Executive Order Nos. 30 at 69 “to develop, preserve and manage Rizal Park and Paco Park in Manila and other national parks that may be assigned to it.”

Ang 45-anyos na bagong director ay 14 taong nagturo sa grade school at high school at mayroong ilang taong karanasan sa marketing.

“I am elated with the opportunity to serve the public under the Duterte administration and there is no ideal place to do it other than the Rizal Park, the site of our national hero’s martyrdom that made Luneta’s hallowed ground the bedrock of patriotism,” wika ni Romero.

Binigyan diin nito na ito ang tunay na makasaysayang mga tampok sa 53 ektaryang Rizal Park at ang isang ektaryang Paco park na nakakahikayat bisitahin ng mga dayuhan at lokal na mga turista lalo na sa panahon ng pagbuhay ng nasyonalismo.

“Ultimately, Rizal Park must remain a true people’s park where Filipino families can commune with nature and have fun,” ani Romero, na isang environmental advocate simula nung panahon ng kanyang high school days sa Assumption College sa Makati at sa University of the Philippines kung saan siya nagtapos ng Mass Communication.

Ang mga estudyante ay dapat magkaroon ng isang preserbasyon sa Rizal Park na mapagkalooban ng bukas na espasyo at luntiang nga halaman na wala sa karamihan mga lokal na paaralan.

Dahil sabi aniya ni Dr. Rizal ang kabataan ang pagasa ng bayan kaya marapat lamang na bigyan sila ng libreng access sa pang-Agham na pag-aaral ng mga kakaibang mga puno at ‘Flora, at Fauna’ ng Pilipinas.

“It also reminds me of the National Mall in Washington D.C. which inspired the architect Daniel Burnham to design Rizal Park as a sprawling government center during the early days of American Occupation,” sabi ni Romero.

Umaasa si Romero na mapapalakas nila ang pakikipagtulungan sa Intramuros Administration (IA) at sa Tourism Infrastructure and Enterprise Zone Authority (TIEZA) upang bumuo ng isang pinagsama-samang pampublikong tour sa Dambana ni Rizal sa FORT Santiago at Rizal Park. (Mina Aquino)

The post Pag-aalaga ng mga parke, isusulong ng bagong NPDC exec appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *