Paano naging sining ang bandalismo?

Ano nga ba ang tamang term para sa mga walanghiyang panay ang pagva-vandal sa mga pampublikong lugar? Walang modo, walang pinag-aralan o walanghiya? Ang tigas kasi ng mga mukha nila na paulit-ulit babuyin ang mga lugar na hindi naman kanila. Una sa lahat, galing sa taumbayan ang ginagastos sa pagpapalinis at pagpapaganda ng mga kalsada at kung ano pang mga pasilidad.

paano naging sining ang bandalismo - Paano naging sining ang bandalismo?
Sulat Kay Editor 47 - Paano naging sining ang bandalismo?

Dear Abante:

Ano nga ba ang tamang term para sa mga walanghiyang panay ang pagva-vandal sa mga pampublikong lugar? Walang modo, walang pinag-aralan o walanghiya? Ang tigas kasi ng mga mukha nila na paulit-ulit babuyin ang mga lugar na hindi naman kanila. Una sa lahat, galing sa taumbayan ang ginagastos sa pagpapalinis at pagpapaganda ng mga kalsada at kung ano pang mga pasilidad. Ikalawa, napakadalang ng katulad ni Yorme Isko na nagbibigay pansin na buhayin ang mga pasilidad o bangketa para nga naman hindi masakit sa mata ng mga Manilenyo. Ikatlo, hindi iimik ang mga pader na ‘yan kung susulatan at bababuyin lang din naman at ang ikaapat, ang kakapal naman ng mukha nilang sabihin na ‘yan ay isang uri ng sining. Anong sining? Sining ng mga praning? Bakit hindi sila magsulat ng ganyan sa mga bakuran nila? Very basic na itinuturo o rules sa isang paaralan ang no vandalism.

Yorme Isko mukhang hinahamon ka talaga ng mga ulupong na estudyanteng walang modo. Akala naman nila may mapapala o may mababago sila kapag nag-vandal sila.

Dominique Del Rosario
Domin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *