Paano ang hatian sa retirement?

Good day po Atty. Claire,
Mam hingi po sna ako ng advice, lagi ko pong sinusubayba­yan ang inyong co­lumn, mam isa po akong public servant, sa PNP po, kinasal po kmi ng aking ex wife last april 2005 po nagkaroon kami ng isang anak na lalaki, nakapasok po ako sa pagpupulis Sept. 2005, may napundar po kmi (sakahan) ng aking ex dahil po sa loan sa PNP.

The post Paano ang hatian sa retirement? appeared first on Abante News Online.

paano ang hatian sa retirement - Paano ang hatian sa retirement?
Abate Claire Castro Clear It 1 - Paano ang hatian sa retirement?

Atty. Claire Castro

Good day po Atty. Claire,
Mam hingi po sna ako ng advice, lagi ko pong sinusubayba­yan ang inyong co­lumn, mam isa po akong public servant, sa PNP po, kinasal po kmi ng aking ex wife last april 2005 po nagkaroon kami ng isang anak na lalaki, nakapasok po ako sa pagpupulis Sept. 2005, may napundar po kmi (sakahan) ng aking ex dahil po sa loan sa PNP.

naghiwalay po kmi mid of 2009, nag usap po kmi na bibigyan na lng ng support ang aking anak at nagkasundo po kmi sa 7,300/ kada buwan po , hanggang sa kasalukuyan po.

Tuloy tuloy po ang separate na tseke para po sa aking anak, meron na po akong kinakasama mula 2010 up to present po mam, nagkaroon po kami ng 3 anak, 9 y/o at kambal na 6 y/o.

Tanong ko po sana kasi 42 y/o na po ako at balak ko na pong mag early retirement sa PNP ngaung 2025, kung may makukuha po ako sa PNP pano po ang hatiaan, pag may pension po akong kada buwan hindi ko naman po tatanggalin ang binibigay ko sa anak ko sa ex wife ko po.

Maraming mara­ming salamat po Atty. Claire at aabangan ko po ang inyong payo para sakin,
God Bless po at More power po.
Salamat po,
Arvin

Mr. Arvin,
Pension is regular payment made during a person’s retirement from an investment fund to which that person or their employer has contributed during their working life.

Ang big sabihin ay parte ito ng kinikita o sinusuweldo ng isang empleyado bilang contribution habang sila ay nagtatrabaho. Ito ay parte ng conjugal partnership na ibig sabihin ay parte ito ng ari-arian ng mag-asawa.

Kung nais mo itong hatiin sa pamil­ya mo ay 50% nito ay dapat mong ibigay sa legal mong asawa at ang 50% ay sa iyo. Ang sabi ng Supreme Court sa kasong GSIS versus Montescarlos GR No. 146494 July 14, 2004 ay
“xxx. Conside­ring the mandatory salary deductions from the government emplo­yee, the government pensions do not constitute mere gratuity but form part of compensation.xxx”

Ang kinikasama mo ay walang makukuha sa pension dahil wala siyang karapatan sa anumang ari-arian na naipundar mo habang kasal ka sa una mong asawa.
Kung may katanungan pa ay tumawag lamang sa 922 0245 o mag-email sa attorneyclaire@gmail.com.

The post Paano ang hatian sa retirement? appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *