Paalala sa mga estudyante: Pahalagahan natin ang mga school facility

Kapag responsibilidad na ang pinag-uusapan, hindi maiwasan kung minsan na mangamba dahil sa obligasyon na dala nito. Sa aspeto ng edukasyon, responsibilidad ng bawat estudyante na makapagtapos ng pag-aaral.

The post Paalala sa mga estudyante: Pahalagahan natin ang mga school facility appeared first on Abante News Online.

paalala sa mga estudyante pahalagahan natin ang mga school facility - Paalala sa mga estudyante: Pahalagahan natin ang mga school facility
Abante Win Gatchalian Win sa Edukasyon - Paalala sa mga estudyante: Pahalagahan natin ang mga school facility

Kapag responsibilidad na ang pinag-uusapan, hindi maiwasan kung minsan na mangamba dahil sa obligasyon na dala nito. Sa aspeto ng edukasyon, responsibilidad ng bawat estudyante na makapagtapos ng pag-aaral.

Lagi silang pinapaalalahanan na sa bawat karapatan sa pag-aaral ay may kaakibat dapat na pananagutan para magtagumpay sila sa buhay. Kaya mainam na habang bata pa, turuan natin silang maging responsable sa sarili at sa kapwa.

Sabi nga ng isang ka­sabihan, kung responsable ka sa maliit na bagay ay magiging responsable ka rin sa mas malaki pang bagay na darating. Ilan sa mga simpleng halimbawa nito ay ang pagsunod sa kanilang teacher tulad ng pakikinig o pag-recite sa loob ng klasrum, paggawa ng projects o pag-review sa isang quiz. Bukod dito, ang pagbigay ng kooperasyon sa mga kaklase, pag-iwas sa away at pagtapon ng kalat sa basurahan ay ilan lamang sa mga tama at simpleng gawain ng pagpapahalaga ng responsibilidad.

Ngunit, kabaliktaran ang karaniwang nangyayari sa mga eskuwela­han dahil maraming punit-punit na libro, mabilis masira ang mga bagong kabit na door lock, umuugang silya, laging out of order ang comfort room o ‘di kaya ay may nawawalang parte ng computer. Mala­king pondo, oras at pagod ang nasasayang sa kakulangan ng responsibilidad ng karamihan sa aspetong ito.

Mabuti na lamang ngayong bakasyon ay hands-on ang ating mga teacher sa pagremedyo ng mga nasira hanggang sa abot ng kanilang makakaya. Hindi rin sila nagsasawa na magpaalala na gamitin nang maayos ang mga gamit hindi lamang para sa sariling benepisyo kundi para rin sa kanilang mga kapwa estudyante na makikinabang din ng mga ito.

Tapat, patas, may res­peto, paninindigan at pananagutan—ito ang limang pangunahing res­ponsibilidad na hangad ng mga guro na angkinin ng kanilang mga estudyante hanggang sa kanilang pagtanda.

Kasama ng ating mga guro, magulang at guar­dian, patuloy na­ting ga­bayan, turuan at ipain­tindi sa kabataang mag-aaral ang kanilang mahalagang papel sa lipunan, sa pamamagitan ng pagiging responsable sa mga bagay na ipinagkakatiwala sa kanila ngayon at sa hinaharap.

Posible ito kung uum­pisahan habang bata pa sa eskuwelahan at sa sariling tahanan. Kapag nangyari ito, tayo ay kampante na magkakaroon ng mga mahuhusay na lider na siyang mamumuno sa ating bansa pagdating ng tamang panahon. Sa ating kabataan, kayang-kaya ninyo ‘yan!

The post Paalala sa mga estudyante: Pahalagahan natin ang mga school facility appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *