One stop shop 

Isa sa pangunahing programa ng pamahalaan ngayon ay gawing mas abot-kamay ang mga pangu­nahing serbisyo nito sa mamamayan. Ang agaran at madaling pakikipag-ugnayan at transaksyon sa mga frontline na ahensiya ay may malaking dulot na ginhawa lalo na kung ito ay mas nailalapit sa mga nangangailangan.

The post One stop shop  appeared first on Abante News Online.

one stop shop - One stop shop 
Abante Strike Revilla Strike sa Trabaho - One stop shop 

Isa sa pangunahing programa ng pamahalaan ngayon ay gawing mas abot-kamay ang mga pangu­nahing serbisyo nito sa mamamayan. Ang agaran at madaling pakikipag-ugnayan at transaksyon sa mga frontline na ahensiya ay may malaking dulot na ginhawa lalo na kung ito ay mas nailalapit sa mga nangangailangan.

Ito ang layon ng One Stop Service Center na itinatag noong nakaraang taon sa Bacoor sa pakiki­pag-ungayan sa, at pangunguna ng, Philippine Overseas Employment Administration o POEA. Itinatag ang nasabing serbisyo sa ikatlong palapag ng SM City Bacoor na sinagot naman ng naturang mall ang buong pagpapagawa at gastos ng operasyon nito – bayanihan para sa mamamayan.

 Nitong nakaraang linggo, para tuluyan nang matugunan ang mga isyung ito, nagkaroon tayo ng pagpupulong kasama si Administrator Atty. Bernard P. Olalia, Deputy Administrator Joyce Sanchez at Director Paul Villaluz ng POEA, at mga kinatawan ng SM, upang lalong paigtingin ang mga serbisyo sa ilalim ng nasabing One-Stop Service Center for OFWs (OSSCO).

 Sa ngayon ay operational na ang mga tanggapan ng TIEZA; MARINA; PHILHEALTH; Pag-IBIG; DOLE; NBI; POEA; at ang SSS naman ay magbubukas sa Marso 18. Kasalukuyan namang inaayos ng BIR, OWWA, at Bureau of Immigration ang kanilang mga tanggapan sa OSSCO.

 Unti-unti nang naisasakatuparan sa ating kapwa ang hangarin ng mabilis at walang paligoy-ligoy na serbisyo. Sa lalong madaling panahon ay mabubuksan na ang lahat ng mga tanggapan na may kaakibat na kinatawan upang mabilisang matugunan ang mga pangangailangan hindi lamang ng mga Bacooreño, kundi mga Kabitenyo at mga karatig na lugar.

The post One stop shop  appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *