NPA alisin sa Palawan

Kailan magtatapos ang local terrorist sa atin kung mismong mga residente ay takot pa rin na makipag-ugnayan sa ating mga pulis at kasundaluhan?

npa alisin sa palawan - NPA alisin sa Palawan
Sulat Kay Editor 10 - NPA alisin sa Palawan

Dear Abante:

Kailan magtatapos ang local terrorist sa atin kung mismong mga residente ay takot pa rin na makipag-ugnayan sa ating mga pulis at kasundaluhan?

Nadudurog ang puso ko sa patuloy na nangyayari sa aming lalawigan, dati kami ang may hawak ng korona ng ‘cleanest and greenest city’. Hindi na mapigilan ang kaliwa’t kanang pamamayagpag ng mga dambuhalang mga minahan sa aming lugar at suportado ng ilang mambabatas, hindi lamang LGUs namin maging diyan sa national. Hindi makapag-operate dito sa Palawan ang anumang minahan kung walang approval diyan, ibig sabihin mas malaki ang kita diyan sa itaas kumpara sa kakarampot dito sa amin.

Pero sino po ba ang mga biktima, hindi ba kaming mga Palaweno din naman?

Ilang mga forester na ang pinatay dito sa aming lalawigan. Madami na, ito’y kagagawan ng mga New People’s Army na hawak lamang din ng mga politiko.

Masakit na katotohanang mga politiko rin ang may hawak ng mga NPA dito sa Palawan.

Nakakaawa lamang ang mga pulis at sundalo, nagigisa sila sa sarili nilang mga mantika, akala nila tunay na mga LGUs ang nagproprotekta at tumutulong sa kanila.

Pero ang totoo, ipinapain sila ng ilang mga politiko, nagi­ging taguan na nga ang lalawigan namin e, ‘yung mga su­gatang mga kadre sa pakikipagbakbakan sa Mindanao, dito sa Palawan dinadala, nagpapagaling, nagpapahinga at bakasyon na rin. Ang siste, sa ganda ng lugar namin nagugustuhan ng mga NPA, mga pamilya nila dinala na dito, kaya ito kaming Palaweno takot na sa kanila, ang hirap sa kalagayan namin na natatakot na sa sarili naming mga bayan.

Isalba ang Palawan, isalba ang kabundukan, isalba kami sa terorista.
Ruffiano Jose S. Benjamin ng San Vicente, Palawan

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *