Ngiti at pag-asa sa kabila ng trahedya

Isang isla na bahagi ng Tabaco City ang lubos na sinalanta ni super typhoon Rolly. Maraming bahay, lalo na ang yari sa light materials, ang nawasak at mga haligi lang ang natira. Ang mga apektadong residente, halos maubos ang luha sa paghihinagpis.

The post Ngiti at pag-asa sa kabila ng trahedya first appeared on Abante.

ngiti at pag asa sa kabila ng trahedya - Ngiti at pag-asa sa kabila ng trahedya
EDITORIAL LOGO BICOLANO AKO ZALDY CO 3 - Ngiti at pag-asa sa kabila ng trahedya

Isang isla na bahagi ng Tabaco City ang lubos na sinalanta ni super typhoon Rolly. Maraming bahay, lalo na ang yari sa light materials, ang nawasak at mga haligi lang ang natira. Ang mga apektadong residente, halos maubos ang luha sa paghihinagpis.

Nang makarating sa akin ang malungkot na balitang ito, agad akong nagpasya kasama ang mga kinatawan ng Ako Bicol party-list, na puntahan ang San Miguel Island sa Tabaco City. Doon ko nalaman na kami pa lang ang unang nakarating sa isla upang maghatid ng ayuda sa mga biktima ng bagyo.

Kalunos-lubos ang sinapit ng ating mga kababayan sa isla San Miguel, lalo na ang Barangay Hacienda na siyang napuruhan ng bagyong Rolly. Nakaligtas nga sila sa bagyo, mistula naman silang namatayan ng pangarap. Sabi ng iba, hindi nila alam kung magdiriwang pa sila ng Pasko.

Ngunit kahit saglit, naibsan ang kanilang agam-agam at nagbago ang pananaw sa buhay nang atin silang damayan at pakinggan ang karaingan. Kahit papano, napalitan ng ngiti ang kanilang kalungkutan matapos nating ipamahagi ang food packs sa 1,000 pamilya doon. Binigyan din natin sila ng solar light upang magamit habang wala pa silang kuryente.

Sa pag-iikot ko sa barangay, doon ko nakilala ang batang si Samuel Blance, pitong taong gulang. May bukol siya sa kanyang batok at habang lumalaki ang bata, lumolobo rin ang kanyang bukol. Dahil salat sa pang-tustos, hindi mapatingnan sa doktor si Samuel ng kanyang mga magulang. Nadagdagan pa ang kanilang pasanin nang mawalan sila ng bahay dahil sa bagyo.

Dahil po dito, nagpasya akong tulungan ang kanilang pamilya. Bukod sa pagpapagamot kay Samuel, sinimulan na rin po natin ang pagpapatayo sa kanilang bahay. Kinailangan ng AKB na bumili ng construction materials sa siyudad at ibiyahe ito sa pamamagitan ng motor boat patungo sa isla. Mahirap ang pagdala ng construction materials sa isla, ngunit sa sama-samang kamay, lahat ay gumagaan.

Isang maagang regalo ngayong pasko para sa pamilya Blance ang bagong bahay na unti-unti nang natutupad.

Nitong mga nagdaang araw ay naging abala din po ang inyong lingkod sa pamimigay ng food packs at cash assistance sa iba pa nating binagyong kababayan sa Tiwi, Malilipot at Polangui sa Albay. Bahagi ito ng programang “Tabang sa Kalamidad” ng AKB na naglalayong tulungan ang mga nangangailangan sa oras ng kalamidad.

Lubos akong nagpapasalamat sa ating mga partners na nagtiwalang idaan sa AKB ang kanilang tulong, tulad nina Senador Manny Pacquiao, Leyte Congressman Ferdinand Martin Romualdez at ang kanyang maybahay na si Congresswoman Yedda Romualdez ng Tingog Partylist.

Maraming salamat din sa lahat ng bumati at nakaalala sa aking nagdaang kaarawan. Dios mabalos po sa indo gabos.

The post Ngiti at pag-asa sa kabila ng trahedya first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *