Nauna pa iligal bakuna

Nakakalungkot ang mga pangyayari ngayon sa bansa kaugnay sa isyu ng bakuna kontra COVID-19.

The post Nauna pa iligal bakuna first appeared on Abante.

nauna pa iligal bakuna - Nauna pa iligal bakuna
EDITORIAL LOGO AKSYON Lady Kaye Dacer - Nauna pa iligal bakuna

Nakakalungkot ang mga pangyayari ngayon sa bansa kaugnay sa isyu ng bakuna kontra COVID-19.

Matapos ang rebelasyon ng pagpapabakuna ng mga Presidential Security Group (PSG) ni Pangulong Rodrigo Duterte ay hindi pa rin mamatay-matay ang isyu ng pagkakaroon ng turukan ng bakuna sa ilang pribadong estabisyemento kabilang ang mga hotel.

Ang tanong natin sa likod ng naglipanang patagong turukan ng bakuna, wala ba talagang kakayahan ang pamahalaan na tugisin ang mga ito?

Ang dami-dami ng nababalitang nangyayaring iligal na pagturok ng bakuna pero nganga pa rin ang mga kinauukulan. Wala pa ring maaresto sa likod ng pagdala ng COVID bakuna sa bansa nang walang pahintulot ang gobyerno.

Baka naman may malalaking personalidad sa likod ng lahat ng ito at pinagkakakitaan na naman an gating mga kababayang nakikipag-unahang maturukan upang masiguro ang kaligtasan laban sa virus.

Ang hindi lang talaga katanggap-tanggap sa mga kaganapan ngayon ay nauna pang nakalusot sa bansa ang iligal na bakuna kesa ang legal na pagbili ng pamahalaan.

***

Sa isyung iligal pa rin tayo. Ang aking tinutukoy ay ang ipinarating sa ating impormasyon tungkol sa isang miyembro diumano ng Customs Police na naka-assign sa X ray Inspection Project (XIP) ng Bureau of Customs na diumano’y nag- iikot at nagtatawag sa mga kilalang importer at broker para ihingi umano ng pasalubong ang isang uupong bagong hepe nila.

Binansagan nila ito sa pangalang “De Kuko” na pinalad na mapuwesto sa Xray sa tulong ng mga “bok” nya sa Bureau at makaiwas sa matrabahong responsibilidad bilang isang miyembro ng Enforcement and Security Service (ESS).

Siyempre may kapalit ang nasabing puwesto dahil pinangakuan diumano nito ang mga naging padrino ng malaking halaga sa pamamagitan ng pangingikil sa mga importers at brokers.

Pero siyempre hindi naman bulag at bingi sina Customs Commissioner Leonardo Guerrero at Deputy Commissioner Raniel Ramiro dahil iniimbestigahan na ito sa sandamakmak na reklamo ng pangongotong. Hindi lang ‘yan dahil floating status na rin daw si mokong.

Kanya nga lamang ay nagpapakalat na man raw ito ng impormasyon at sinasabing siya na ang mamumuno sa kanilang division kaya hinihingan na niya ng P100K ang lahat ng broker at importer bilang pasalubong.

Panibagong kahihiyan ito sa BOC kaya nananawagan ang matitinong empleyado sa kagawaran na tuluyan na itong sibakin.

Walang kadala-dala ang mga ito gusto pa yatang masampolan gaya ng ginawa ng NBI sa isang empleyado ng DOJ na inaresto dahil sa ganitong modus.

The post Nauna pa iligal bakuna first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *