Naudlot na pangarap sagot kita itaga mo sa bato

Napakasakit sa sinumang ama at ina ang maghatid ng kanyang anak sa huling hantungan dahil hindi lamang ang mortal na katawan nito ang lumilisan ngunit maging ang matatayog niyang pangarap.

naudlot na pangarap sagot kita itaga mo sa bato - Naudlot na pangarap sagot kita itaga mo sa bato
Senator Ronald Bato Dela Rosa Sagot Kita Itaga Mo Sa Bato 1 - Naudlot na pangarap sagot kita itaga mo sa bato

Napakasakit sa sinumang ama at ina ang maghatid ng kanyang anak sa huling hantungan dahil hindi lamang ang mortal na katawan nito ang lumilisan ngunit maging ang matatayog niyang pangarap. Hayag sa lahat ang biglaang pagpanaw ng isang plebo ng Philippine Military Academy, si Cadet Fourth Class Darwin Dormitorio, isang batang punong-puno ng pangarap at dedikasyon na makapag­lingkod sa bayan at sa mga kapwa niya Pilipino. Tubong Cagayan de Oro, si Dormitorio ay anak ng isang kapwa kong produkto ng PMA na napiling maglingkod at magretiro sa Philippine Army. Bilang isang ama at PMA alumnus na rin, mariin kong kinokondena ang walang katuturang pagkamatay ng batang Dormitorio nang dahil sa hazing. Tulad ng aking pahayag sa mga panayam, ito ay isa na namang kaso ng shattered dreams for the parents and the loved ones of the victim.

Lubos din ang ating pagbibigay galang sa hiling na pribadong panahon ng kanyang pamilya para sa taimtim nilang pagluluksa. Ako’y taus-pusong nakikiramay sa pamilya Dormitorio sa maagang pagkawala ng ating batang kadeteng si Darwin.

***
Nais ko lang bigyan-diin, bilang isang produkto rin ng PMA, hindi kailanman pinapayagan ng PMA ang anumang uri ng ‘hazing’ o pananakit sa mga kadete. Hangarin natin na makapag-produce ng mga top graduates sa PMA, kung puwede lang makapag-produce tayo ng ‘spartans’ mula sa ating mga kadete dahil sila ang magiging ‘warriors’ ng ating gobyerno. Dapat sila ay tough, matibay at matatag bilang mga sundalo ng pamahalaan pero ulitin ko lang, kami sa PMA Alumni Association at ang PMA officials ay ‘NO’ na ‘NO’ meaning tutol na tutol kami diyan sa hazing na ‘yan! Buong-buo ang ating paniniwala na maraming paraan para maging matigas, matibay at epektibo ang isang kadete.

***

Anti-Hazing Law, nito lamang nakalipas na taon ay pinirmahan ni Pangulong Duterte ang pagsasabatas ng Republic Act No. 11053 o mas kilala bilang Anti-Hazing Act of 2018. Ang natu­rang Anti-Hazing Law ay nag-amyenda sa nauna nang kahalintulad na batas, Republic Act No. 8049, Anti-Hazing Act of 1995. Ang pagpapasa sa panibagong batas ay upang makapagpataw ng mas mabigat na parusa sa sinumang indibidwal o grupo na nagplano at nagsagawa ng hazing. Hangarin din nito na maging deterrent o makapagpaudlot sa anumang planong magsagawa ng naturang krimen at maisalba ang mga maaaring maging biktima nito. Nakasaad sa batas ang pagpapataw ng reclusion perpetua o pagkakakulong ng hanggang apatnapung taon at pagbabayad ng tatlong milyong piso sa sino man na mapatutunayang nagplano at nagsagawa ng krimen na hazing lalo at higit kung ito ay ikinamatay ng biktima. Sa kaso ni cadet Dormotorio, may mga hawak nang suspek ang pamunuan ng PMA at sigurado ako na kung mapatutunayan ang kanilang partisipasyon sa hazing, tatamaan sila nitong Anti-Hazing Law… sigurado tayo na pananagutan nila sa batas ang kanilang kasalanan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *