Nasindak sa UFO

Mga ka-Misteryo, nakakita na ba kayo ng UFO? Hanggang ngayon mahirap pa rin paniwalaan na may mga lumi- lipad na bagay sa ating kalangitan o sa kalawakan na ang lulan ay mga kakaibang nilalang mula sa ibang planeta o kung hindi man ay taga-ibang dimensiyon.

The post Nasindak sa UFO appeared first on Abante News Online.

nasindak sa ufo - Nasindak sa UFO
misteryo 1 - Nasindak sa UFO

Mga ka-Misteryo, nakakita na ba kayo ng UFO? Hanggang ngayon mahirap pa rin paniwalaan na may mga lumi- lipad na bagay sa ating kalangitan o sa kalawakan na ang lulan ay mga kakaibang nilalang mula sa ibang planeta o kung hindi man ay taga-ibang dimensiyon.

Dalawang kuwento ang nasagap ng Misteryo Team sa Kalookan na ang isa ay halos himatayin sa kanyang nakita.

Sa kuwento ni Kenneth, isang gabi nakatayo siya sa tabi ng McArthur highway para abangan ang pagda-ting ng kanyang kapatid na babae mula sa trabaho nang may m­arinig siyang kakaibang tunog na nanuot sa kanyang utak.

Nung una ay hindi muna pinansin ni Kenneth ang tunog ngunit palakas ito ng palakas at sumasakit na ang kanyang ulo dahilan para sumandal muna siya sa pader sa gilid ng bangketa

Nang bigla siyang mapatingala at laking gulat niya nang makita ang sobrang laking bagay na animo’y mothership na nakalutang sa taas lamang ng poste ng kuryente. Isinalarawan ni Kenneth sa Misteryo Team ang nakalutang na hugis pabilog na katulad sa pelikulang Independence Day.

Ayaw maniwala ni Kenneth sa kanyang nakita at pinakiramdaman niya kung nakikita din ito ng dalawang babae sa tabi niya na nag-aabang ng masasakyan. Pinagmasdan niyang mabuti ang kilos ng dalawa at walang palatandaan na may nakita sila.

Tila binuhusan ng malamig na tubig si Kenneth at hindi siya makakilos sa pagkakatayo habang nakatingala at tinitignan ang nakalutang na mothership hanggang sa bigla itong lumipad pasilangan at sa kisapmata ay biglang naglaho.

Ang isa pang kuwento ay karanasan ng isang labandera na si Aling Mameng. Inabot siya ng alas-10 nang gabi sa paglalaba at nakagawian niyang tumingala para tignan ang mga bituin sa langit.

Nang bigla siyang nakarinig ng mahinang ugong sa gawing taas na inakala niya ay may bata na naglalaro ng de-bateryang sasakyan. Binalewala lamang niya ang tunog nang sa pagtingala niya ay may nakita siyang nakalutang na hugis bilog na may maliliit na ilaw na iba’t ibang kulay.

Inakala ni Aling Mameng na ito ay remote control na laruang lumilipad ngunit nagtataka siya na imposibleng may naglalaro pa sa ganung dis-oras nang gabi. Kitang kita niya na ang UFO ay k­asing taas lamang ng bubong ng dalawang palapag na apartment.

Dahil sa noon lang siya nakakita ng ganun bigla siyang natakot at hindi tinapos ang kanyang labada at nagmamadaling pumasok sa kanilang bahay At hinahabol ang kanyang hi-ninga. Napansin siya ng anak: “Inay ano nangyari at takot na takot ka?”

“May lumilipad sa bubong inakala kong laruan parang remote control,” pagtatapat ni Aling Mameng.

“Baka drone po iyon pero dis-oras po nang gabi, imposible naman at saka wala akong alam na kapitbahay natin na meron nun,” sagot ng anak ni Aling Mameng.

Maaaring drone nga ang nakita ni Aling Mameng pero yung sa karanasan ni Kenneth ay maituturing na tunay na “close encounter of the third kind.” Marami pang ganyang mga karanasan ngunit karamihan ay ipinagwawalang bahala lamang.

Para sa inyong mga karanasan ng kababalaghan o nakakatakot, mag-email sa misteryophilnet@gmail.com. Bisitahin ang aking website: www.reytsibayan.com.

The post Nasindak sa UFO appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *