Nasindak akala’y patay na siya!

Mga ka-Misteryo naranasan niyo na bang mag-astral projection o astral travel?

nasindak akalay patay na siya - Nasindak akala’y patay na siya!
Rey T. Sibayan Misteryo 9 - Nasindak akala’y patay na siya!

Mga ka-Misteryo naranasan niyo na bang mag-astral projection o astral travel?

Karaniwan itong ginagawa ng mga yogi at mga dalubhasa sa metapisikal pero may ­pagkakataon na maranasan ito ng ­sinuman sa atin.

‘Yan ang ating misyon: ‘Basta may Misteryo, alamin natin ang Totoo!”
Sa kuwentong karanasan ni Mario ng Olongapo, hindi niya ­malilimutan nang hindi sinasadyang ­nakapag-astral travel siya.

Pagod na pagod mula sa trabaho si Mario nang agad na siyang nahiga at nakatulog, ngunit ilang saglit ay ­nakita niyang nakatayo siya sa tabi ng kanyang katawan. Nasindak si Mario at natakot siya.

Hindi malaman ni Mario kung ano nangyari sa kanya kaya nagpanic na siya at sumigaw “Patay na ba ako??? Diyos ko ‘wag naman po marami pa akong pangarap sa pamilya ko.”

Nang biglang lumitaw sa harap niya ang isang nilalang na ­nakaputi, mala-anghel ang hitsura maliwanag ang awra. Pinahupa siya at sinabing ‘wag siyang matakot. “Mario ‘wag ka matakot hindi ka patay, humiwalay lang ang iyong diwa, buhay ka pa.”

Mario: “Ganu’n po ba? Makakabalik po ba ako sa aking katawan?”

Anghel: “Oo, kailangan mo lang isipin na makakabalik ka at magigising ka.”

Ganu’n nga ang ginawa ni Mario at parang bigla siyang nahulog sa bangin sa isang iglap ay kapabalikwas siya sa pagkakahiga at mabilis na bumangon sabay tayo.

Maaaring naranasan niyo na rin ang astral projection tulad nang payo ng Anghel ni Mario, ‘wag matakot o masindak at makakabalik din kayo sa inyong katawan.

Ika nga ng mga eksperto sa ­larangan ng metapisikal, mas ­mahirap na ­magtagal sa labas ng katawan ­kaysa ­bumalik. Mas mainam ang ­hindi sinasadyang ­astral projection dahil protektado kayo ng ­inyong anghel at mga gurong ­espiritwal.

***

Para sa inyong mga ­kuwentong ­karanasan ng ­kababalaghan o misteryo, mag-email sa ­TeamMisteryo2019@gmail.com. Bisitahin ang ­www.reytsibayan.com­ at abante.com.ph.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *