Nanay na toxic (3)

Dear Dra Holmes: (shortened April 1 column)­
Lagi ko pong nakikita sa fb ang mga post na “ITS OK TO STAY AWAY FROM TOXIC PEOPLE” paano rin po kung ang kapamilyang ito ay ang mismong ina mo? Ok lang din ba? IRIS

The post Nanay na toxic (3) appeared first on Abante News Online.

nanay na toxic 3 - Nanay na toxic (3)
Abante Dr Margarita Holmes Walang Bolahan 2019 - Nanay na toxic (3)

Dra. Margarita Holmes

Dear Dra Holmes: (shortened April 1 column)­
Lagi ko pong nakikita sa fb ang mga post na “ITS OK TO STAY AWAY FROM TOXIC PEOPLE” paano rin po kung ang kapamilyang ito ay ang mismong ina mo? Ok lang din ba? IRIS

Dear Iris:
Maraming salamat sa sulat mo na una na­ting pinublish ng buo noon nakaraang Lunes, Abril 1, 2019. Sa huling­ kolum natin noong nakaraang Miyerkoles, Abril 3, diniin ko ang kahalagahan ng relasyon mo o kahit sino—sa iyong/kanilang mga magulang. Sa katotohanan lang para sa karamihan ng tao—lalo na sa mga babae—ang nanay ang mas mahalaga sa tatay dahil ang nanay natin ang taong nakikita, kinakausap, at pinakamalapit sa atin kahit sa umpisa.

Napakasuwerte mo, Iris, na alam mo na ang iyong ina ay toxic sa buhay mo.

Marami kasing mga ibang tao ay hindi alam ito. Nagtataka nalang sila kung bakit, tuwIng nakikita, binibi­sita o kahit kinakausap (lang) ang kanilang nanay, parang kalungkutan (at hindi kasiyahan) ang kanilang nararamdaman.

Minsan pa nga, kahihiyan sa sarili o mababang tingin sa sarili. ‘Yan ay isang bakas (clue) na ang nanay mo ay talagang toxic.

Tinanong mo sa akin kung ok lang na layuan ang mga taong toxic, kahit na ang mga taong ito ay iyong mga kamag anak. OK na ok, Iris.

Pero tila kapag nanay mo, mas nag-aalangan kang iwasan siya. Hindi lang ok na gawin mo ito, Iris, pero kailangan na gawin mo ito. Mahalaga ito para sa ‘yong tingin sa sarili. ‘Di bale kung ibang tao ay mababa ang tingin sa iyo; huwag lang na ikaw ay may mababang tingin sa sarili mo.

Sa aking karanansan bilang sikolohista, ang pinakamalaking dahilan na mababa ang paningin ng tao sa kanilang sarili ay dahil sa kanilang mga magulang. Hindi ka na bata. Oras na para magdesisyon tungkol sa sarili mong buhay. So, kung toxic ang nanay mo, kahit na masakit sa iyo, ang pinakamabu­ting magagawa mo para sa sarili mo ay iwasan siya. Ingat—MG Holmes
Si Dra Holmes ay nagsusulat sa Abante 3X a week. Sulatan siya sa Facebook ni Dr. Margarita Holmes

http://www.facebook.com/drmargieholmes. Panoorin siya sa Walang Echos sa Abante Tonite facebook tuwing Huwebes,­ 7 pm.

The post Nanay na toxic (3) appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *