Nakapagtataka

Nuong isang araw, binatikos muli ni Pangulong Duterte ang dalawang kumpanyang telco sa bansa. Kamakailan, nuong nagtalumpati siya para sa SONA, binantaan niya na kukunin ng gobyerno ang mga kumpanyang ito.

The post Nakapagtataka first appeared on Abante.

nakapagtataka - Nakapagtataka
TALAGA ba 12 - Nakapagtataka

Nuong isang araw, binatikos muli ni Pangulong Duterte ang dalawang kumpanyang telco sa bansa. Kamakailan, nuong nagtalumpati siya para sa SONA, binantaan niya na kukunin ng gobyerno ang mga kumpanyang ito.

Ang mga ganitong pahayag na tinatawag ang pansin ng isang sektor na may malaking papel sa bayan ay nararapat lang naman. Marami rin naman sa ating mga kababayan ay ganito ang kanilang saloobin sa sitwasyon sa telco. Ang binibigay na sagot sa problema: ang pagpasok ng ikatlong telco sa bansa.

Nguni’t, marami rin ang agam-agam ng inuumang na solusyon. Para sa aking mga nakausap, parang aklat na paulit-ulit mong pinasadahan, basang-basa na ang formula na ginagamit para ibenta ang isang ideya o aksyon.

Binigay nilang halimbawa ng pinaggamitan ng ganitong formula ay ang pagdedeklara ng martial law ni Marcos. Base sa mga ulat nuong mga panahon iyon, mayroong malawakang kaguluhan sa bansa na kakagawan ng mga komunista na humantong sa tangkang pagpatay kay Juan Ponce Enrile, Kalihim ng Department of National Defense nuon. Ayon kay Marcos, ang martial law ang sumagip sa ating bansa upang hindi tayo mapasailalim sa ng mga komunista. Sa madaling salita, isinalarawan ang sitwasyon sa pagkakaroon ng dalawang pagpipilian lamang—komunista o martial law. Isa pang halimbawa ay ang krisis sa tubig sa Metro Manila na naranasan nitong nakaraang taon. Sinasabi ng marami na ang sinasabing krisis ay maaring eksaherado o isang palabas lamang upang maging katanggap-tanggap ang binebentang solusyon—ang Kaliwa Dam.

Ang isang ideya o panukala ay maaring maging katanggap-tanggap sa mga tao ayon sa likas na mga katangian nito at pakinabang ng hindi kinakailangang gumawa ng eksena para magkaroon ng pangangailangan dito. Tinanggap ng mga tao ang konsepto ng cellphone dahil kailangan ito at maganda ang mga pakinabang nito, hindi dahil nagkaroon ng krisis.

Nakakapagtaka at nakakabahala. May hidwaan tayo sa China dahil sa pinag-aawayang teritoryo at sa kanilang tahasang pagbalewala sa atin. Mababa rin ang tiwala ng mga Pilipino sa China. Pero, tila bukas na bukas tayong papasukin sila sa atin hanggang sa kasuluk-sulukan ng ating mga sikreto kung saan nakasalalay ang pagtatanggol ng ating bansa.

The post Nakapagtataka first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *