Nakakabahala ang lagay sa Negros Oriental

Posibleng ilatag ang martial law sa lalawigan ng Negros Oriental dahil sa serye ng karahasan.

nakakabahala ang lagay sa negros oriental - Nakakabahala ang lagay sa Negros Oriental
Abante Kaye Dacer Aksyon Lady 1 - Nakakabahala ang lagay sa Negros Oriental

Posibleng ilatag ang martial law sa lalawigan ng Negros Oriental dahil sa serye ng karahasan.

Matatandaang nagkasunud-sunod angpagpatay sa isang barangay captain, mayor, apat na kagawad ng Philippine National Police (PNP) at isang abogado kamakailan lamang sa Negros Oriental.
Ito ang nagtulak para ikunsidera ni Pangulong Rodrigo Duterte ayon kay Presidential Spokesman Salvador Pa­nelo ang pagdedeklara ng martial law nang magtalumpati sa ani­bersaryo ng National Intelligence and Coordinating Agency (NICA) .
Ayon sa Pangulo, posibleng gamitin nito ang kanyang emergency powers para mapairal ang kaayusan sa nabanggit na lalawigan.
Ang mga galamay ng New Peoples Army (NPA) ang itinuturong utak ng serye ng karahasan.
Kung ganyan naman na katindi ang karahasan kinakaila­ngan na talagang kumilos ang gobyerno para maproteksyunan ang mga mamamayan ng Negros Oriental.
Anumang aksyon ang nararapat ay ating sinusuportahan katulad ng martial law dahil isinasaad naman ito ng ating Konstitusyon.
Hangad nating maayos na ang sitwasyon sa Negros Oriental para manumbalik na ang seguridad sa lalawigan at kasabay ang ating pana­wagang mapanagot ang mga nasa likod ng mga serye ng pagpatay.
***
Wala talagang sa­riling kusa ang ilang ahensiya at tanggapan ng gobyerno.
Katulad na lamang ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na kung hindi narinig ang babala ni Pangulong Duterte noong SONA na tanggalin ang mga sagabal sa kalsada na nagdudulot ng pagsisikip ng trapiko ay hindi sila aaksyon.
Ito ay kasunod ng direktiba ng DPWH sa Central Luzon na walisin ang mga obstruction sa kalsada kasabay ng pagbabawal sa paggamit ng right of way sa mga national road.
Ang hugot ko lang sa isyung ito ay kung wala palang direktiba ang Pangulo ay hindi kikilos ang DPWH, local government units at iba pang government agencies na siyang may responsibilidad sa paghahatid sa taumbayan ng maayos na kalsada para sa ligtas at mabilis nating pagbibiyahe.
Magkaroon naman sana kayo ng sariling palo at hindi na kailangan pang paalalahanan sa inyong mga tungkulin sa bayan!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *