Nakakaawa ang Philippine Sports Commission!

Habang nagkakagulo sa liderato ng Philippine Olympic Committee (POC), ginigiba na rin ang Phi­lippine Southeast Asian Games Organization Committee (PHISGOC).

The post Nakakaawa ang Philippine Sports Commission! appeared first on Abante News Online.

nakakaawa ang philippine sports commission - Nakakaawa ang Philippine Sports Commission!
Abante Kaye Dacer Aksyon Lady 1 - Nakakaawa ang Philippine Sports Commission!

Habang nagkakagulo sa liderato ng Philippine Olympic Committee (POC), ginigiba na rin ang Phi­lippine Southeast Asian Games Organization Committee (PHISGOC).

Ayaw raw kasing tumigil ng grupo ng dalawang dating opisyal ng Philippine Sports Commission (PSC). May kinalaman ba sa kanilang pag-iingay ngayon ang bilyon-bilyong pondo para sa 30th Southeast Asian (SEA) Games?
Malapit na ang SEA Games kung saan Pilipinas ang nakatokang mag-host at ang PHISGOC ang nangangasiwa rito. Si incoming House Speaker Taguig-Pateros Congressman Alan Peter Cayetano ang chairman ng PHISGOC.

Pinapalabas ngayon ng kampo nina Cojuangco na hindi na raw awtorisado ang PHISGOC para manguna sa preparasyon ng SEA Games dahil gobyerno raw ang dapat humawak sa trabahong ito. Binawi na raw ni Pangulong Rodrigo Duterte ang suporta nito sa PHISGOC dahil hindi daw pabor ang pangulo sa nagiging paghahanda ng committee para sa SEA Games.

Sa ganitong kumakalat na paninira, hindi nababanggit na si Pangulong Duterte mismo ang nagpalabas ng Memorandum Circular No.56 noong Ene­ro 25, 2019 kung saan inuutusan nito ang lahat ng government agencies pati government-owned and controlled corporations na ibigay ang buong suporta sa PHISGOC para sa preparasyon ng SEA Games.

Nakalagay sa Memorandum Circular na pi­nirmahan ni Executive Secretary Salvador Medialdea na ang PHISGOC ay isang “non-stock, non-profit organization” na binuo para pangasiwaan ang pag-host ng Pilipinas sa 30th SEA Games nga­yong Nobyembre.

Hindi kaya malaki ang kinalaman ng P6 bilyong pondo ng SEA Games kaya maraming kuda ang iba’t ibang naghahabol?

Habang hindi nawawala ang mga panggugulong ito, hindi makakaarangkada nang husto ang paghahanda sa SEA Games. Baka naman makaabot pa ito ng Nobyembre at nganga ang abutin ng Pilipinas sa pagsapit ng naturang paligsahan.

Kung totoong hindi pera-pera ang dahilan, isantabi na ang mga personal na posisyon at magtulungan na lamang para sa bayan.

The post Nakakaawa ang Philippine Sports Commission! appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *