Nabiktima ng fraud

Dear Attorney Claire Castro,
Magandang araw po sa iyo Attorney Claire Castro.
Ako po ay nahikayat na mag-participate sa isang M-Shopping site sa internet upang ma­ging isang M-Shopper nila.

nabiktima ng fraud - Nabiktima ng fraud
Abate Claire Castro Clear It 2 - Nabiktima ng fraud

Dear Attorney Claire Castro,
Magandang araw po sa iyo Attorney Claire Castro.
Ako po ay nahikayat na mag-participate sa isang M-Shopping site sa internet upang ma­ging isang M-Shopper nila.

Nag-apply ako sa mga available na store visit nila na puwedeng gawin. And luckily ay nakakuha ako ng mga assignment na kanilang ino-offer na karamihan ay sa probinsya pa. Sa mga email confirmation message na sinend nila sa akin with regards sa assignments ay babayaran daw ako ng shoppers fee after a month.

Sa madaling salita ay ginawa ko ang mga assignment sa loob ng dalawang buwan at gumastos ng sarili kong pera para sa pamasahe at pagkain habang ginagawa ang mga ito.

Subalit pagdating ng itinakdang araw na dapat ay ma-reimburse ang mga nagastos ko sa nasabing mga store visit ay sinabi nilang may daya raw akong ginawa dahil hindi raw nasunod ang mga patakaran at alituntunin na sinasabi nila sa kontrata. Hindi raw nila ako babayaran.

Ang tanong ko po ay maaari ko pa bang mahabol ang karampatang bayad at reimbursements ng mga nagastos ko dahil sa trabahong ito?
Maraming salamat po.
Ramel

Dear Mr. Ramel,
Nakakalungkot na nagagamit sa ngayon ang pagiging advanced natin sa technology para sa panloloko at pandaraya.

Ayon sa kuwento mo, lumalabas na ikaw ay kanilang pinasakay at pinaasa sa magandang oportunidad na kanilang inaalok. Ginamit ka nila upang magawa nila ang kanilang obligasyon sa pamamagitan mo ngunit sa iyong kapahamakan naman. Maliwanag na may fraud iyan. Maaari po ka­yong pumunta sa NBI at ireklamo ang mga nanloko sa iyo sa Anti-Cyber Crime Division o Anti Fraud Division upang maimbestigahan nila ang galaw at modus ng mga nakausap mo online.

Maaari silang kasuhan sa ilalim ng Art. 315 ng Revised Penal Code at ito ay isang criminal case at may kulong kapag napatunayang nagkasala.

Ang mga usapan ninyo sa email ay ebidensiya na magagamit mo laban sa kanila.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *