Mula Rolly Hanggang Ulyses

Sina Rolly, Siony, Tonyo, at Ulyses ang mga di inaasahang bisita natin sa loob lamang ng halos isang linggo. Ang una’t huli—si Rolly at Ulyses—ang dalawang bagyong lubos na nagpahirap pang lalo sa ating mga kababayan. Iba-iba man ang lakas ng pagtama nila sa mga lugar dito sa atin, malaking pangamba, takot, at pinsala pa rin ang dulot ng mga ito, lalo pa’t nasa gitna tayo ng pandemya.

The post Mula Rolly Hanggang Ulyses first appeared on Abante.

mula rolly hanggang ulyses - Mula Rolly Hanggang Ulyses
usapang barrkada - Mula Rolly Hanggang Ulyses

Sina Rolly, Siony, Tonyo, at Ulyses ang mga di inaasahang bisita natin sa loob lamang ng halos isang linggo. Ang una’t huli—si Rolly at Ulyses—ang dalawang bagyong lubos na nagpahirap pang lalo sa ating mga kababayan. Iba-iba man ang lakas ng pagtama nila sa mga lugar dito sa atin, malaking pangamba, takot, at pinsala pa rin ang dulot ng mga ito, lalo pa’t nasa gitna tayo ng pandemya.

Kaya gaya ng kuwentuhan natin noong isang linggo, hindi kami tumitigil sa Tanggapan para mag-abot ng agarang tulong sa ating mga kababayan. Limitado ang ating budget, pero gaya ng laging sinasabi ni VP Leni Robredo, hindi ito kailanman magiging hadlang sa pagtulong natin sa ating kapwa.

Sa pakikipagtulungan ng ating mga Angat Buhay partners at iba’t iba pang donors, tuloy-tuloy ang ating relief operations sa mga lugar na pinakaapektado ng mga rumagasang bagyo. Dahil napakalawak ng mga kailangan ng ating mga kababayang nasalanta, iba-iba rin ang mga donasyong nakalap ng ating Tanggapan.

Nakapamahagi na tayo ng mga relief packs na may lamang pagkain, bigas, gamot, at mga toiletries, pati na mga kumot at iba pang mga gamit na lubos na kinakailangan ng ating mga kababayang nasa evacuation centers. Nagbahagi din tayo ng mga materyales tulad ng coco lumber, pako, at nipa shingles sa mga pamilya para makatulong sa pagkumpuni ng mga bahay na nasira.

Ang mga relief packs natin ay nakaabot sa iba’t ibang bahagi ng Camarines Sur at Lanao del Sur, pati na sa mga coastal areas doon kung saan napakalaki ng pinsala. Mayroon din tayong mga COVID19 testing kits na nai-turnover sa lokal na pamahalaan ng Lanao del Sur, at vegetable packs na ipinamigay para makatulong sa mga residente ng Angat Buhay Village sa Marawi City at sa mga magsasaka sa Lanao del Norte, Lanao del Sur, at Bukidnon.

Nang bumagsak ang bagyong Ulyses madaling araw ng Huwebes, agad ang pagkilos. Tutok ang mga staff sa Facebook ni VP Leni kung saan marami sa ating mga kababayan ang nananawagan at nanghihingi ng tulong. Nakipag-ugnayan ang Tanggapan sa iba’t ibang lokal na pamahalaan sa Metro Manila para maipaabot ang mga humihingi ng rescue mula sa mga lugar na tumaas ang tubig dahil sa baha. Puspusan rin ang repacking ng mga relief goods para maihandang maipamigay.

Huwebes ng gabi rin, binisita ni VP Leni ang mga kababayan natin sa Rizal at Marikina kung saan matindi ang pinsala ng bagyong Ulyses. Hot meals ang baon natin para sa kanila, habang patuloy pang nagkakalap at naghahanda ng mga relief packs para madala sa kanila sa mga darating pang araw.

Walang tigil ang pagbayo ng problema sa ating bayan ngayong 2020. Ngunit hindi tayo patitinag: Basta’t patuloy tayong nagtutulungan, wala tayong hindi malalampasan. Patuloy ang trabaho natin sa Tanggapan para maabot ang mga kababayan nating nangangailangan. Kasama si VP Leni, haharapin nating sama-sama at puno ng pag-asa ang kalbaryong bitbit nila Rolly, Siony, Tonyo, at Ulyses.

The post Mula Rolly Hanggang Ulyses first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *