Move on na lang lagi?

Nakakadismaya ang palagiang eksena kapag may isyu sabayan—magkakaroon ng pakitang-taong aksyon ang pamahalaan at sasabihan ang taong bayan na mag move on na.

The post Move on na lang lagi? first appeared on Abante.

move on na lang lagi - Move on na lang lagi?
TALAGA ba 10 - Move on na lang lagi?

Nakakadismaya ang palagiang eksena kapag may isyu sabayan—magkakaroon ng pakitang-taong aksyon ang pamahalaan at sasabihan ang taong bayan na mag move on na.

Nuong 2016, nang palihim na inilibing si dating Pangulong Ferdinand Marcos sa Libingan ng mga Bayani, isang bagayna mainit na usapin, mag move on na ang naging tugon samga bumabatikos at mga nananawagang i-rekonsidera ang naging aksyon ng administrasyon.

Ngayong taon, sa kalagitnaan ng matinding pagbabawal sapagpupulong-pulong dahil sa pandemya, naging malakingisyu ang pagkakaroon ng selebrasyon ng kaarawan si General Debold Sinas, na siyang nangangasiwa sapagpapatupad ng mga patakaran hinggil sa kaayusan saMetro Manila. Agad na iniutos ng liderato ng kapulisan ang isang imbestigasyon sa nangyari. Agad din namannagpahayag ng suporta si Pangulong Duterte kay Sinas at sinabing wala siyang nakikitang mali sa nangyari. Mabilis at may halong pagmamalaki ang naging kasunod na pahayag ni Sinas—mag move on na.

Pero, bagama’t ganito ang naging pahayag ng pangulo, aniyamaari namang ituloy ang imbestigasyon. Ang tanong lang ay kung meron kayang maglalakas ng loob na magsasabi saisang imbestigasyon na mali ang ginawa ni Sinas. Kapagnangyari ito, parang sinabi niya na mali ang sinasabi ng pangulo, isang bagay na malayong mangyari sa isangorganisasyon na matindi ang pagtingin sa salita ng kanilangpinakamataas na pinuno.

Ngayon, nasa balita naman na mapo-promote ng ranggo si Sinas. Ang tugon ng liderato ng PNP ay hindi na isyu ang nangyari dati at marami namang daw nagawang mabuti siSinas. Hindi ko alam sa inyo nguni’t ang tunog sa akin ng ganoong salita ay parang mag move on na. Ano kaya ang nangyari sa sinasabing imbestigasyon? Natapos kaya?Naumpisahan kaya? Matatandaan na nagkaroon pa ng isapang isyu si Sinas kung saan binabraso niya ang pagpapaalissa isang pamilya sa loob ng kampo.

Naging mainit din sa balita ang pagpapalaya kay Joseph Pemberton, isang sundalong Amerikano na nakulong dito sasalang pagpatay. Para matapos ang isyu, ginawaran ni Duterte ng pardon, o lubos na pagpapatawad sa kanyangnagawang kasalanan si Pemberton. Ito rin ay nagbibigaypahintulot na makalaya na siya. Ano ang himig sa nangyari—mag move on na.

Hindi ba ganito rin ang sinabi ng mga opisyal ng pamahalaanukol sa pagpatay ng prankisa ng ABS-CBN? Sabi pa nga ni Senador Bato dela Rosa, maghanap na lang ng bagongtrabaho ang mga apektado sa pagsasara ng kumpanya.

Parang ang nagiging kalakaran sa mga isyu ng bayan ay ang pagkakaroon ng agarang pakitang-taong aksyon para samadaliang pagtutulduk sa anumang usapin. Tila aral na aralnila ang limitadong buhay ng balita. Alam nila na ang isangisyu ay hindi tatagal sa kaisipan ng mga tao at lilipas din. At higit na inaasahan nila na, kalaunan, mananahimik na ang publiko.

Kapag ganito lagi, paano nating mapapanagot ang mga may atraso sa taong bayan?

The post Move on na lang lagi? first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *