Mga motorcycle taxi napapanahon na

Instant solusyon. D’yan magaling ang mga Pilipino. Bigyan ng problema at kaunting panahong makapag-isip, la­labas agad ang solusyon.

The post Mga motorcycle taxi napapanahon na appeared first on Abante News Online.

mga motorcycle taxi napapanahon na - Mga motorcycle taxi napapanahon na
Abante Sen Ralph Recto Usapang Barako - Mga motorcycle taxi napapanahon na

USAPANG BARAKO
Ralph Recto

Instant solusyon. D’yan magaling ang mga Pilipino. Bigyan ng problema at kaunting panahong makapag-isip, la­labas agad ang solusyon.

Isang dangkal na baha dulot ng biglaan at ma­tinding ulan? ‘Wag mag-alala at lalabas agad ang mga pinagdugtong-dugtong na tulay na puwedeng tawiran ng mga taong ayaw lumusong sa baha.

Malalim na baha na ‘di kayang tawirin ng sasakyan? Naka-ready ang pinagtali-taling styrofoam o lumang kaha ng refrigerator para itawid ka nang maluwalhati sa kabilang ibayo ng kalsada.

Ganyan kabilis mag-isip at gumawa ng paraan ang mga Pinoy. Basta pagkakakitaan, ‘di nauubusan ng ideya.

Madalas lang nga dahil sa bilis, maaa­ring hindi naaayon sa itinatakda ng batas ang naisip nilang solusyon.

Tulad na lang nitong nausong habal-habal o motorcycle-for-hire na naging popular at tinangkilik ng mga kababayan nating pumapasok sa trabaho, eskuwelahan o nais makarating sa pupuntahan nang mabilis.

Bakit nag-click ang ‘habal-habal’gayong ito ay iligal? Dahil matindi ang trapiko sa Metro Manila at iba pang bahagi ng bansa, at habal-habal lang ang paraan para makarating sila sa patutunguhan sa tamang oras.

At dahil hindi nga kasali ang motorsiklo sa listahan ng mga motor vehicles na maaa­ring ipampasada—tulad ng jeepney, taxi, kotse, van at trucks na pinapa-arkila—walang umiiral na batas o panuntunan para sa operasyon nito.

Sa madaling sabi, iligal ang pagtakbo nila. At ‘pag iligal ang ope­rasyon, walang proteksyon sa batas ang sinumang sasakay sa kanila sa sandaling may mangyaring aksidente o aberya.

Dahil dito, nag-file tayo ng Senate Bill No. 50 na nagpapahintulot sa paggamit ng motorsiklo bilang public utility vehicle. Aamyendahan ng bill ang Land Transportation and Traffic Code (RA No. 4136) na nagsasabing ang gamit ng motorsiklo ay bilang pribado o pag-aari ng gobyernong sasakyan lamang, at hindi ito maaaring gamitin bilang public utility vehicle.

Alinsunod sa panukalang batas natin, tanging mga motorsiklong may bigat na 1,000 kg pababa, may bilis na 50 kilometers per hour o higit pa, at may engine capacity na hindi bababa sa 125 cubic centimeters ang maaaring irehistro sa LTO sa ilalim ng klasipikasyong ‘public utility motorcycles’. Kailangang may hawak din silang special permit na inisyu ng LTFRB bago makapagrehistro.

Nakikita natin ang pangangailangan upang sumabay sa hinihingi ng pagkakataon. Kung dati ay walang panga­ngailangan sa habal-habal, ngayon ay ito ang pinakamabilis at murang paraan upang makalusot sa trapiko at makarating sa destinasyon.

Napansin na marahil ng Department of Transportation ang potensyal ng motorsiklo kaya’t nag-isyu ito ng General Guidelines para sa 6 na buwang pilot test sa ‘motorcycle taxis’ na nagsimula noong nakaraang buwan lamang.

Pag-aaralan sa kalahating taong test run ang maraming bagay, tulad ng kaligtasan at economic viability sakaling gawing ligal ang operasyon ng mga motorsiklo.

Noong 2018, higit 1 milyong mananakay ang nag-download ng app ng Angkas, isang grupong nag-o-operate ng 20,000 riders na s’yang naghahatid at sumusundo sa mga pasahero. Naging bukambibig ng lahat ang Angkas at doon na nga nasilip ng awtoridad ang paglabag sa batas at iniutos ang pagtigil sa kanilang operasyon.

Subalit dahil nga sa lumalalang sitwasyon ng trapik sa Metro Manila at iba pang sentro ng bansa, nakikita natin ang pangangailangang gawing ligal ang operas­yon ng mga motorcycle taxis bilang kaakibat ng iba pang moda ng public transportation sa paghahatid ng maraming tao sa kani-kanilang destinasyon. Bukod dito’y makapagbibigay ito ng maraming trabaho sa ating kababayan bilang driver or operator ng motorcycle taxis.

The post Mga motorcycle taxi napapanahon na appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *