Mga karapatan ng kabataan ituro sa klase

Sa pagtatapos ng National Children’s Month ngayong buwan, hinihimok ng inyong lingkod ang mga pampubliko at pribadong mga paaralan na palawigin ang kaalaman ng mga mag-aaral sa kanilang mga karapatan.

The post Mga karapatan ng kabataan ituro sa klase first appeared on Abante.

mga karapatan ng kabataan ituro sa klase - Mga karapatan ng kabataan ituro sa klase
EDITORIAL LOGO win sa edukasyon Win Gatchalian 1 - Mga karapatan ng kabataan ituro sa klase

Sa pagtatapos ng National Children’s Month ngayong buwan, hinihimok ng inyong lingkod ang mga pampubliko at pribadong mga paaralan na palawigin ang kaalaman ng mga mag-aaral sa kanilang mga karapatan.

Kasama sa mga epekto nitong pandemya ang pagtaas ng mga insidente ng karahasan at pang-aabuso sa mga kabataan. Bilang Chairman ng Senate Committee on Basic Education, Arts and Culture, naninindigan tayo na dapat pangalagaan at itaguyod ang karapatan ng mga bata lalo na’t naging banta sa kanilang kaligtasan ang pinsalang dulot ng COVID-19.

Iniulat ng Department of Justice (DOJ) Office of Cybercrime na mula Marso 1 hanggang May 24 ngayong taon, halos 280,000 ang naitalang bilang ng kaso ng online sexual exploitation of children (OSEC). Ito ay mas mataas ng higit dalawang daang porsiyento (264%) mula sa 76,651 na kasong naitala sa parehong panahon noong nakaraang taon.

Dati na nating iminungkahi na dapat pinapagana ng mga paaralan ang kanilang mga Child Protection Committee (CPC) para maprotektahan ang mga bata laban sa anumang uri ng pang-aabuso at karahasan.

Ang mga Child Protection Committee ng mga paaralan ay may mahalagang papel sa pagpapaigting ng kaalaman ng mga mag-aaral pagdating sa kanilang mga karapatan. Sa ilalim ng DepEd Order No. 40 s. 2012, kasama sa mga tungkulin ng CPC ang pagsasagawa ng mga programa at aktibidad laban sa iba’t ibang uri ng pang-aabuso, karahasan, diskriminasyon at bullying sa mga mag-aaral. Bahagi rin ng tungkulin ng CPC ang pag-uulat sa mga kasong ito sa angkop na mga tanggapan.

Bukod dito, tungkulin din ng CPC ang pakikipag-ugnayan sa mga non-government organizations (NGOs) at mga ahensya ng pamahalaan tulad ng PNP-WCPD at ang Local Social Welfare and Development Office.

Maliban sa pag-uulat ng mga kaso, ang mga ahensya at mga organisasyong ito ay maaaring maging katuwang ng pamahalaan sa pagpapalawig ng kaalaman sa karapatan ng mga bata. Tiyak na makakatulong ang mga ugnayang ito upang patatagin ang tiwala ng mga mag-aaral at kanilang mga magulang sa mga institusyon.

Naniniwala rin tayo na mahalagang manatiling bukas ang mga helpline ng mga paaralan, mga tanggapan ng pamahaalaan at mga NGOs upang agarang matugunan ang pangangailangan ng mga mag-aaral.

Kung mas malawak ang pakikilahok at kaalaman ng mga kabataan sa pagtataguyod ng kanilang karapatan, siguradong mas magiging epektibo ang ating pagsugpo sa mga pang-aabusong maaari nilang maranasan.

The post Mga karapatan ng kabataan ituro sa klase first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *