Mga isolation, evacuation center sa labas ng mga klasrum

Sa krisis pangkalusugan na nararanasan natin ngayon, napapanahon na ang pagtatayo ng permanenteng mga isolation o quarantine facilities na pwede ring maging permanenteng evacuation centers para sa lahat ng mga apektadong residente.

The post Mga isolation, evacuation center sa labas ng mga klasrum first appeared on Abante.

mga isolation evacuation center sa labas ng mga klasrum - Mga isolation, evacuation center sa labas ng mga klasrum
Win Gatchalian Win Sa Edukasyon - Mga isolation, evacuation center sa labas ng mga klasrum

Sa krisis pangkalusugan na nararanasan natin ngayon, napapanahon na ang pagtatayo ng permanenteng mga isolation o quarantine facilities na pwede ring maging permanenteng evacuation centers para sa lahat ng mga apektadong residente.

Para sa mga bansang tulad ng Pilipinas na madalas tamaan ng bagyo at iba pang mga kalamidad, mahalagang pagtuunan ng pansin ang pagkakaroon ng mga permanenteng quarantine facilities at evacuation centers. Madalas kasing nagagamit sa ngayon ang mga eskwelahan, kaya habang tumatagal ang pamamalagi dito ng mga apektadong residente, lalo ring naaantala ang pagpasok sa eskwela ng mga bata. Kapag may sapat at maayos na evacuation at isolation centers, mauudyok din ang ating mga kababayan na lumikas sa kani-kaniyang mga tahanan.

Bilang Chairman ng Senate Committee on Basic Education, Arts and Culture, isa sa ating mga tungkulin ay tiyaking maayos, malinis at ligtas ang mga paaralan. Ngunit hindi natin ito makakamit kung maya’t maya ay ginagamit din natin ang mga klasrum tuwing may dumadating na mga kalamidad.

Patuloy na ginagamit ng local government units (LGUs) ang mga paaralan upang makapagbigay ng kanlungan sa mga nasalanta ng kalamidad. Nakasaad sa Republic Act No. 10821 o ang Children’s Emergency Relief and Protection Act na maaaring gamitin ang mga klasrum natin ngayon bilang evacuation centers, ngunit dapat panandalian lamang.

Hulyo 2019 nang inihain ng inyong lingkod ang panukalang batas na Senate Bill No. 747 o ang Evacuation Center Act. Layon nitong magtayo ng permanenteng evacuation center sa bawat munisipalidad at lungsod upang mabigyan ng agaran at maayos na lugar na pamamalagian ng publiko na naapektuhan ng mga sakuna tulad ng bagyo, baha, sunog, pati na ang pagkalat ng sakit.

Hindi po maaaring patuloy na lang na naaantala ang pag-aaral ng mga kabataan tuwing mayroon tayong sakuna. Lalo’t higit na mahalaga ang pagsasaayos ng sistemang ito ngayong nasa ilalim tayo ng mapagsubok na panahon.

Ngayon, kung hindi man kayanin ang sabay-sabay na pagpapagawa ng evacuation centers sa mga LGUs, nakasaad sa ating panukala ang mandato din sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) na tukuyin ang mga lugar na kakailanganin ng mataas na prayoridad. Maaari rin namang magtayo ng karagdagang pasilidad sa mga paaralan para rito upang hindi na magamit pa ang mga silid-aralan.

Ating tandaan, parehong mahalaga ang kalusugan ng bawat pamilyang Pilipino at ang edukasyon ng ating mga kabataang mag-aaral.

Kung ating pagsisikapan na magkaroon sila ng permanente at maayos na tutuluyan ay matutulungan din natin ang mga kabataan na mas mabilis makabalik sa paaralan pagkatapos ng isang sakuna at matagumpay na magpatuloy sa kanilang pag-aaral.

The post Mga isolation, evacuation center sa labas ng mga klasrum first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *