Mga autistic savant: Wais sa Math at Science!

Noon pa man, saludo na tayo sa mga magulang na may mga special need ang anak tulad ng autism. Sa ating pagsasaliksik tungkol dito, ang batang may ganitong kondisyon ay karaniwang hirap sa pakikisalamuha sa ibang tao at may mga bagay o pag-uugali na paulit-ulit nilang ginagawa o kilala rin sa tawag na echolalia.

The post Mga autistic savant: Wais sa Math at Science! appeared first on Abante News Online.

mga autistic savant wais sa math at science - Mga autistic savant: Wais sa Math at Science!
Abante Win Gatchalian Win sa Edukasyon - Mga autistic savant: Wais sa Math at Science!

Noon pa man, saludo na tayo sa mga magulang na may mga special need ang anak tulad ng autism. Sa ating pagsasaliksik tungkol dito, ang batang may ganitong kondisyon ay karaniwang hirap sa pakikisalamuha sa ibang tao at may mga bagay o pag-uugali na paulit-ulit nilang ginagawa o kilala rin sa tawag na echolalia.

Mabagal ang pag-usad sa kanyang pagsasalita, paglalaro o pakikipagtalastasan sa iba. May mga bata rin namang mayroong mild impairment, habang may iba rin naman ang may malalim na pagsubok sa kondisyong ito.

Nakakabilib ang mga nanay at tatay na ito dahil mahirap man ang kanilang sitwasyon, hindi sila nawawalan ng pag-asa. Kahit may mga panahong mahirap mailaan ang espesyal na pag-aalaga at atensyon para sa anak ay nananatili silang determinado at madiskarte sa paghahanap ng paraan para lumawak pa ang kanilang pagkatuto, lumaki nang maayos, matutong makihalubilo sa iba at mamuhay ng matagumpay.

Ano mang klase ng autismo na mayroon ang isang bata ay kailangan nito ng sapat na kalinga at magkaroon dapat ng angkop na intervention para maihanda ang kanilang kinabukasan, tulad ng paalala ng mga eksperto.

Noon pa man, hirap nang tukuyin kung ano ang tiyak na sanhi ng autismo, ngunit mayroon itong iba’t ibang pinagmumulan. Ayon sa artikulo sa HelpGuide.org, kabilang dito ang pag-inom ng anti-depressant sa pagbubuntis ng ina sa unang tatlong buwan, mababang timbang ng sanggol at neonatal anemia at impeksyon ng nanay sa pagbubuntis.

Bukod dito, ang mga indibidwal na may ASD (Autistic Spectrum Disorder) ay may mga talento sa music, math, science at sports kung saan sila ay nagiging eksperto at tinatawag na ‘autistic savant.’ Ang ‘savant’ ay nagmula sa Latin word na nanga­ngahulugang wais at ekstraordinaryong abilidad na magtapos ng partikular na gawain sa kabila ng limitado nitong kapasidad sa ibang larangan.

Lahat ng mayroong potensyal ay maaaring magpatulong sa mga speech, physical at occupational therapist upang magamit at masulit nila ang kanilang angking-galing.

Mahalagang gamot dito ay ang pagtanggap nang buong puso at puno ng pagmamahal ang ating mga mahal sa buhay. Turuan natin sila ng simpleng kaalaman, kilos at pag-uugali nang may pasensya at pang-unawa para makapamuhay sila ng masaya at makabuluhan.

Higit sa lahat, lubos na makakatulong ito sa kanilang pag-aaral at pakikisalamuha sa iba. Tulad ng ordinaryong kabataan, ang mga batang ito ay may parehong karapatan, pribilehiyo at pagkakataon na maranasan ang dekalidad na edukasyon.

The post Mga autistic savant: Wais sa Math at Science! appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *