Mayor Zamora, inuuna ang reklamo kaysa trabaho?

Nakakainggit ang lungsod ng Maynila dahil ang kanilang bagong halal ng alkalde ay walang sinasayang na panahon upang luta­sin ang napakaraming problema sa lungsod.

The post Mayor Zamora, inuuna ang reklamo kaysa trabaho? appeared first on Abante News Online.

mayor zamora inuuna ang reklamo kaysa trabaho - Mayor Zamora, inuuna ang reklamo kaysa trabaho?
Abante Ely Saludar Broadcasters Vies 1 - Mayor Zamora, inuuna ang reklamo kaysa trabaho?

Nakakainggit ang lungsod ng Maynila dahil ang kanilang bagong halal ng alkalde ay walang sinasayang na panahon upang luta­sin ang napakaraming problema sa lungsod.

Sa unang araw pa lang ng panunungkulan ni Manila Mayor Isko Moreno ay agad na itong nagpasiklab at nilinis ang mga vendor sa mga matataong lugar tulad ng Legarda, Divisoria, Sta. Cruz at Recto.

Hindi pa nakuntento, agad nilinis ang sangkaterbang basura at iba pang obstruction sa kalsada.

Ngayon naman ay hinarap ni Mayor Moreno ang paglilinis sa mga eskuwelahan at pinapatanggal ang mga pangalan ng lahat ng politiko kasama ang kaniyang pangalan.

May problema si Mayor Isko sa pondo sa kaniyang lungsod at may mga alegasyon na walang iniwan na pondo ang kaniyang hinalinhinang si Ma­yor Erap Estrada.

Pero ang problemang ito ay hindi hadlang sa kaniyang mabilis na pagtugon sa maraming problema sa lungsod.

Kabaliktaran naman ang ginagawa ni San Juan Mayor Francis Zamora dahil puro reklamo sa pondo ang inaatupag nito.

Halos bilyong piso raw ang utang ng San Juan dahil sa pagpapagawa ng kanilang gusali ng city hall at hospital.

Kung totoo ang alegasyong ito ni Mayor Zamora ay makaka­buting agad n’yang paimbestigahan kung may ano­malya sa proyekto at paggamit ng pondo.

Pero dapat agad nang magtrabaho kayo Ma­yor Zamora at hindi alibi o palusot ang gagawin mo na walang naiwang pondo sa lungsod.

Magpakitang gilas ka naman Ma­yor Zamora at agad mong solusyunan ang napakaraming problema ng mga taga-San Juan dahil baka makasanayan mo ‘yan na hindi kumilos at magulat ka na lang na tapos na ang 3 taon na termino mo na walang nagawa.

The post Mayor Zamora, inuuna ang reklamo kaysa trabaho? appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *