Mayor niregaluhan ng bagong SUV ng kakuntsabang contractor

Alam n’yo bang isang bagong Ford Everest na naka-car cover pa ang nasa garahe at naghihintay paandarin ng isang mayor sa probinsya sa labas lang ng Metro Manila.

The post Mayor niregaluhan ng bagong SUV ng kakuntsabang contractor appeared first on Abante News Online.

mayor niregaluhan ng bagong suv ng kakuntsabang contractor - Mayor niregaluhan ng bagong SUV ng kakuntsabang contractor
Abante Deo Macalma Bubwiy ni Deo - Mayor niregaluhan ng bagong SUV ng kakuntsabang contractor

Alam n’yo bang isang bagong Ford Everest na naka-car cover pa ang nasa garahe at naghihintay paandarin ng isang mayor sa probinsya sa labas lang ng Metro Manila.

Ang brand new Ford Everest na nakabalot pa sa parking ng bahay ni yorme ay bigay ng contractor na bubungkal sa maaayos pa namang barangay roads sa bayan ni mayor.

Ayon sa aking bubwit, ang brand new na SUV ay parte ng komisyon at perks ni mayor sa contractor kapalit ng ibinigay nyang proyekto sa masuwerteng negosyante – sirain ang mga kalsadang hindi pa naman sira para sementuhin at ayusin lang uli. Ibang klase ka yorme.

Kung sa bagay hindi lang naman si yorme ang politikong guilty sa pagsira sa barangay roads para ipagawa lang uli sa papa­borang kontratista na magbibigay naman ng lagay at tongpats, na sa kaso ni yorme, ay bagong sasakyan at baka cash na magagamit n’ya sa kampan­ya. Pansinin n’yo po ang paligid n’yo, ang daming kalyeng ok pa naman pero binubungkal para sementuhin lang uli ‘di ba.

Pero hindi lang ‘yan ang kalokohan ni mayor. Ayon sa aking bubwit, bumili ang kanilang LGU ng dalawang Isuzu Altera, Toyota Vios at Toyota Fortuner para gamitin ng mga opisyal at ng mamamayan sa kanyang bayan pero alam n’yo ba kung sino ang lumalaspag sa mga sasakyan? Ang kanyang mga anak tsk tsk tsk. Alam ba ‘to ni DILG Sec. Eduardo Año?

Lagot ka ngayon yorme, plano ka kasuhan ng mga residente sa mga barangay na pinabakbak mo ang kalsada kahit ok pa naman dahil sa dinaranas nilang perwisyo.

Ang yorme na may brand new Ford Everest 4X4 galing sa kakon­tsaba n’yang contractor ay mayor sa isang bayan sa Cavite.

The post Mayor niregaluhan ng bagong SUV ng kakuntsabang contractor appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *