May butas, inconsistent ang batas ng GCTA

Naging maingay at ilang araw nang laman ng balita mula sa iba’t ibang organisasyon ng media ang isyu ng Republic Act No. 10592 na nagpapalawig ng good conduct time allo­wance o GCTA para sa mga qualified na preso. Bilang former director general ng Bureau of Corrections (BuCor) sa loob ng halos anim na buwan, obligasyon ko na ibahagi sa inyo ang isyung ito para na rin sa kaalaman at pang-unawa ng lahat.

may butas inconsistent ang batas ng gcta - May butas, inconsistent ang batas ng GCTA
Senator Ronald Bato Dela Rosa Sagot Kita Itaga Mo Sa Bato - May butas, inconsistent ang batas ng GCTA

Naging maingay at ilang araw nang laman ng balita mula sa iba’t ibang organisasyon ng media ang isyu ng Republic Act No. 10592 na nagpapalawig ng good conduct time allo­wance o GCTA para sa mga qualified na preso. Bilang former director general ng Bureau of Corrections (BuCor) sa loob ng halos anim na buwan, obligasyon ko na ibahagi sa inyo ang isyung ito para na rin sa kaalaman at pang-unawa ng lahat.

Sa mga istoryang nailabas ng media, ‘di gaano naipaliwanag ang ‘inconsistency’ sa Republic Act 10592 o GCTA Law. May ilan na ring tulad natin na mambabatas ang umamin at nagsabi na may kalabuan ang naturang batas, tulad na lang ng nakasaad sa Sections 1 at 3 nito. Hindi ako abogado pero malinaw na nakasaad sa Section 1 na ang mga recidivists o ang mga preso na nahatulan na at paulit-ulit pang nagkakasala habang nakakulong ay hindi qualified sa GCTA pati na ang mga naha­tulan sa kasong heinous crimes, samantalang sa Section 3 ng parehong batas ay isinasaad na lahat ng convicted ay maaaring isama at magbenepisyo sa GCTA. Ito marahil ang nagbunsod ng magkakaibang interpretasyon ng mga gumawa ng Implementing Rules and Regulations (IRR) ng batas na ito.

Ang IRR ay napakahalaga sa pag-implement ng mga batas dahil ito ang basehan kung paano ito ipa­tutupad. Bilang retired na PNP chief at kalauna’y BuCor chief, tungkulin ko na ipa­tupad at sundin ang mga umiiral na batas ng ating bansa. Ito ang aking responsibilidad sa bawat Pilipino. Nais ko ring bigyang diin ang layon ng batas na ito na bigyan ng pagkakataong makalaya ang mga matanda na at may sakit na preso, pati na rin ang pag-decongest o pagpapaluwag ng mga kulungan.

Maihahalintulad ito sa pag-order ng pagkain sa isang restaurant, kung hindi mo nagustuhan at hindi masarap ang inihaing pagkain, hindi mo dapat sisihin ang waiter na siyang naghain ng pagkain, kundi ang chef na nagluto ng pagkain. Sa sitwasyong ito, ang chef ay ang Kongreso na gumawa ng batas, at ang waiter ay ang BuCor na siyang nagpapatupad lamang ng batas.

Naniniwala akong sinunod at ipinatupad ko ang RA 10592 base sa IRR nito noong ako ang hepe ng BuCor. Mayroon mang ‘ambiguity’ o kalabuan sa ilang probisyon nito, wala akong magagawa kung hindi ipatupad ito. Wala tayong ibang reference maliban sa IRR, maging ito man ay ‘silent’ doon sa exclusion ng heinous crime convicts sa GCTA.

***

Tulad ng aking naibahagi sa ilang panayam, ako ay lumiham sa ating Secretary of Justice sa aking kapasidad bilang BuCor chief para hilingin ang authority sa pagpapalaya sa mga preso na may expired sentences.

Sa ating karanasan bilang BuCor chief, kailangan talagang mai-authorize ang director general ng BuCor sa bagay na ito upang masiguro ang mabilis at episyenteng pagpo-proseso sa paglaya ng mga presong may expired sentences o mga presong nakapagsilbi na sa kanilang sentensya, dahil kung hindi, walang ibang maaaring kasuhan kung hindi ang pamunuan ng BuCor.

Handa ako sa ano mang imbistigasyon na maaaring isagawa patungkol sa aking naging pamumuno sa BuCor, dahil ako’y walang tinatago at siguradong ipinatupad natin ang nasasaad sa batas nang walang sino man pinapaboran o pinagbibigyan.

Tulad ng aking naibahagi sa ilang pana­yam, ako ay lumiham sa ating secretary of justice sa aking kapasidad bilang BuCor chief para hilingin ang authority sa pagpapalaya sa mga preso na may expired sentences.

Sa ating karanasan bilang BuCor chief, kailangan talagang mai-authorize ang director general ng BuCor sa bagay na ito upang masiguro ang mabilis at episyenteng pagpo-proseso sa paglaya ng mga presong may expired sentences o mga presong nakapagsilbi na sa kanilang sentensya, dahil kung hindi, walang ibang maaa­ring kasuhan kung hindi ang pamunuan ng BuCor.

Handa ako sa ano mang imbestigasyon na maaaring isagawa patungkol sa aking naging pamumuno sa BuCor, dahil ako’y walang tinatago at siguradong ipinatupad natin ang nakasaad sa batas nang walang sino mang pinapaboran o pinagbibigyan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *