May benepisyo ba ang mga pakyawang trabahador?

Dear Atty. Claire,
Magandang araw po sa iyo, nais ko po sanang malaman kung ano ang mga karapatan ng isang pakyawan o piece rate na manggagawa sa isang pabrika.

may benepisyo ba ang mga pakyawang trabahador - May benepisyo ba ang mga pakyawang trabahador?
Abate Claire Castro Clear It 1 - May benepisyo ba ang mga pakyawang trabahador?

Dear Atty. Claire,
Magandang araw po sa iyo, nais ko po sanang malaman kung ano ang mga karapatan ng isang pakyawan o piece rate na manggagawa sa isang pabrika.

Ang akin pong pamangkin ay nagtatrabaho bilang pakyawan sa TP dito sa Llano Rd., Caloocan City. Ang pamangkin ko po ay 1 taon at kalahati nang nagtatrabaho sa TP at napag-alaman ko na wala silang pay slip, SSS, PhilHealth, overtime pay, holiday pay, night differential, ECOLA, 13th month pay at rest day, pumapasok po sila mula 7am to 7pm mula Lunes hanggang Linggo. Ang sabi po ng agency nila ay pak­yawan lang sila kaya walang pay slip, SSS, PhilHealth at iba pang benepisyo.

Maraming salamat po,
Bryan

Dear Mr. Bryan,
Hindi po totoo na dapat na wala silang pay slip, 13th month pay, etc. dahil ang isang piece rate wor­ker ay kinikilala bilang isang regular worker at lahat ng benepis­yo na binibigay sa isang regular worker ay matatanggap din ng mga trabahador na kung tawagin ay pakyawan.

Ang isang piece rate worker ay dapat tumatanggap din ng sahod ayon sa normal na 8 hour daily wage at depende sa oras na nailaan nila sa pagtrabaho, ayon Labor Code, “All workers paid by results, including those who are paid on piecework, takay, pakyaw, or task basis, shall receive not less than the applicable statutory minimum wage rates prescribed under the Act for the normal working hours which shall not exceed eight hours work a day, or a proportion thereof for work of less than the normal working hours.”

Sa kasong Avelino Lambo and Vicente Belocura vs. NLRC, Tailor Shop and/or Johnny Co, G.R. No. 111042 October 26, 1999 ay pinaliwanag ng Sup­reme Court kung ano ang tunay na estado ng isang piece rate worker.

“The term ‘wage’ is broadly defined in Art. 97 of the Labor Code as remuneration or earnings, capable of being expressed in terms of money whether fixed or ascertained on a time, task, piece or commission basis.

Payment by the piece is just a method of compensation and does not define the essence of the relations. Nor does the fact that petitio­ners are not covered by the SSS affect the employer-employee relationship.”

Ang pagbabayad ng sahod base sa natapos na trabaho o kada pira­so ay isang paraan lamang kung paano babayaran ang sahod nila ngunit hindi ito nagtatanggal ng kanilang employer-employee relationship.

Noong Disyembre 2007 ay pinaliwanag na rin ng DOLE na ang piece rate worker ay entitled din sa 13th month pay.
***
Kung may katanungan pa ay tumawag lamang sa 410-7624/922-0245 o mag-email sa attorneyclaire@gmail.com.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *