Matatag na relasyong PH-US patuloy sa panahon ni Biden

Kahit sinisimot pa ang pagbibilang ng natitirang balota sa ginanap na halalan sa United States (US), malinaw na mapapalitan na si Donald Trump ni Joe Biden bilang Pangulo.

The post Matatag na relasyong PH-US patuloy sa panahon ni Biden first appeared on Abante.

matatag na relasyong ph us patuloy sa panahon ni biden - Matatag na relasyong PH-US patuloy sa panahon ni Biden
Senator Ralph Recto Usapang Barako 13 2 - Matatag na relasyong PH-US patuloy sa panahon ni Biden

Kahit sinisimot pa ang pagbibilang ng natitirang balota sa ginanap na halalan sa United States (US), malinaw na mapapalitan na si Donald Trump ni Joe Biden bilang Pangulo.

Ika-46 na US president si Biden at bitbit nya si Kamala Harris, ang kauna-unahang babaeng itim at South Asian na Bise Presidente ng US.

Sa 50 states ng Amerika, 4 na lamang ang natitirang nagbibilang pa ng mga balota – Alaska, Arizona, Georgia at North Carolina.

Kumakatawan sa magkakaibang bilang ng electoral votes ang bawat state, depende sa laki, populasyon at bilang ng mga kinatawan nito sa Senado at House of Representatives. Sa kabuoang 538 electoral votes, 270 ang magic na numerong kinakailangan upang makopo ng kandidato ang pagka-presidente.

Habang sinusulat natin ito, may 279 electoral votes na si Biden, at nakapako naman sa 214 si Trump. Anupaman ang maging resulta ng bilangan sa natitirang states, hindi na makakaapekto iyon sa kung sino ang magiging Pangulo ng US dahil nakuha at nalagpasan na ni Biden ang kinakailangang majority ng electoral votes.

Sinasabing may 160 milyong Amerikano ang bumoto at 60 milyon dito ay sa pamamagitan ng post office o drop box gawa ng pandemya.

At kahit matatapos na sa mga susunod na araw ang bilangan, sa Disyembre pa ilalabas ang certified election results mula sa 50 states, at sa January 20, 2021 pa ang inagurasyon para sa bagong halal na mga pinuno ng US.

Minamatyagan natin, pati na rin ng buong mundo, ang eleksyon sa Amerika dahil ito ang tumatayong Big Brother natin. Ito ang resbak ng Pilipinas, kasama ang iba pang malalaking kaalyadong bansa sa buong mundo, sa sandaling may mang-bully sa napakaliit na Pilipinas.

Kaya’t importante ang maayos na diplomatic relation natin sa US. Kailangang updated tayo sa pabago-bagong ihip ng pulitika lalo sa mga bansang nakaka-transaksyon natin at host sa maraming migranteng Pilipino.

Wais na foreign policy ang sisigurong interes at kapakanan ng bansang Pilipinas at mga Pilipino ang mangunguna.

Sa pagpapalit ng liderato sa Amerika, kampante tayo na mapapanatili ang magandang relasyon sa pagitan ng US at Pilipinas dahil may magaling tayong Ambassador doon – si Babes Romuldez.

At dapat lang na magaling ang kinatawan natin doon dahil US ang bansang may pinakamaraming Pilipino sa buong mundo. Higit 2 milyong kababayan natin ang nakikipagsapalarang mabuhay doon at mag-aral.

Tanungin mo ang mga kumpanya at employers sa US at sasabihin nilang mas pinapaboran nilang makatrabaho ang mga Pilipino dahil sa abilidad nating magsalita ng ingles, pagkakaroon ng mas mataas na pinag-aralan at kasipagan.

Maraming dahilan kung bakit bentahe sa atin na panatilihing maayos ang relasyong PH-US. Pinakamahalagang rason ang milyon-milyong Pilipinong naroon na naghahanapbuhay.

Maraming pamilyang Pilipino ang nabibigyan ng magandang buhay dahil sa mga padala ng kamag-anak na nasa US. Malaking tulong ang nagagawa ng kanilang buwanang remittance sa sigla ng ating ekonomiya.

Nawa’y magpatuloy ang magandang relasyon ng Pilipinas at US sa mga darating na panahon sa bagong administrasyon. Congratulations, US president-elect Joe Biden at VP-elect Kamala Harris!

The post Matatag na relasyong PH-US patuloy sa panahon ni Biden first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *