Malasakit, tulong huwag gawing negosyo

Magandang araw sa mga mambabasa ng Abante! ­Kamakalawa ay biglang sumabog ang Bulkang Taal, ­nakakagulat ang mga pangyayari, hindi mo talaga alam kung kailan darating ang galit ng kalikasan.

malasakit tulong huwag gawing negosyo - Malasakit, tulong huwag gawing negosyo
Sulat Kay Editor 83 - Malasakit, tulong huwag gawing negosyo

Dear Abante:

Magandang araw sa mga mambabasa ng Abante! ­Kamakalawa ay biglang sumabog ang Bulkang Taal, ­nakakagulat ang mga pangyayari, hindi mo talaga alam kung kailan darating ang galit ng kalikasan.

Nakaraan lamang ay galit ng bagyo ang nangwasak sa ilang kabahayan sa Pilipinas at ngayon naman ay itong galit naman ng bulkan.

Dahil sa mga abo na mula sa bulkan, ay nagkakaubusan ng face mask sa mga pharmacy. Ang iba naman ibinebenta ng mas mahal ang mga face mask, mapagsamantala ang ilan nating kababayan na negosyo pa rin ang nasa isip na dapat ay hindi dapat nila gawin dahil may kalamidad na nangyayari.

Kaysa pera ang isipin ay dapat tulong, pagmamalasakit at pagmamahal ang ipadama sa ating mga kababayan na natatakot, nagpa-panic at nag-aalala sa mga pamilyang apektado ng kalamidad na ito.

Tayo’y magdasal ng taimtim sa Poong Maykapal na sana ay huwag nang lumaki ang problema at huminto na sa pagbuga ang Bulkang Taal. Maraming salamat po. Ingat po sa lahat!
Josie Clavera ng Cavite

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *