Makasaysayan pala ang Lungsod ng Sorsogon

Sa tuwing pumupunta ako sa mga probinsya, lagi akong kumukuha ng mga pulyeto na ipinamamahagi sa mga turista upang makilala ang lugar na iyon. Ngunit nang basahin ko ang pulyeto ng Lungsod ng Sorsogon, ang tanging naroon ay mga resort at adventure places. Nasaan ang kasaysayan sa Lungsod ng Sorsogon?

The post Makasaysayan pala ang Lungsod ng Sorsogon appeared first on Abante News Online.

makasaysayan pala ang lungsod ng sorsogon - Makasaysayan pala ang Lungsod ng Sorsogon
Abante Xiao Chua Xiao Time 1 - Makasaysayan pala ang Lungsod ng Sorsogon

Sa tuwing pumupunta ako sa mga probinsya, lagi akong kumukuha ng mga pulyeto na ipinamamahagi sa mga turista upang makilala ang lugar na iyon. Ngunit nang basahin ko ang pulyeto ng Lungsod ng Sorsogon, ang tanging naroon ay mga resort at adventure places. Nasaan ang kasaysayan sa Lungsod ng Sorsogon?

Ang Lungsod ng Sorsogon ay isang 1st class municipality na tinatawag na “Gateway to Southern Philippines” dahil ito ang “trans-shipment point” mula sa mga lalawigan ng Visayas at Mindanao. Ito ang pinakamalaking lungsod sa Kabikulan pagdating sa sukat at isa sa pinakamatao. Nilikha ang lungsod noong 2000 lamang sa pagkakalagda ng Republic Act 8806 nang pagsamahin nito sa isang yunit ng lokal na pamahalaang ang mga dating bayan ng Bacon at Sorsogon, Sorsogon. Kabilang sa mga nagtaguyod nito ay ang noon ay kongresista, naging senador at ngayon ay gobernandor ng lalawigan, Francis ‘Chiz’ Escudero. Sa kabila ng legal na pagpigil ng ilang mga abogado, pinagbotohan ng mga mamamayan ang pagsasama-sama ng dalawang bayang ito.

Nasa Lungsod na ito ang napakagandang neo-klasikal na Kapitolyo ng Lalawigan ng Sorsogon na itinayo pa noong 1916 na tila isang templo sa Roma o Gresya tulad ng sumikat na istilo ng arkitektura noong mga panahon na iyon. Sa harapan nito ang isang monumento para kay Dr. José Rizal na nagtataglay ng ilang eksena sa kanyang paglilitis na ipinatayo noong 1923.

Noong 14-15 Hunyo 2019, dinala kami ni Dr. Rene Escalante, Tagapangulo ng National Historical Commission of the Philippines na tubong Sorsogon, at ipinakita niya sa amin ni Prop. Van Ybiernas ang ilang mga proyekto ng NHCP na kaugnay ng kasaysayan. Binisita namin ang Museo ng Sorsogon na nasa dating Provincial Hospital (sa loob lamang ng area ng Kapitolyo) na ipinatayo pa noong 1935. Malaki ang tulong na ibi-nigay sa amin ni Jerome Dio, ang Head Museum Guide at ng kanyang mga kasama upang makakalap ng ilang materyal. Aayusin ng NHCP ang kalapit na dating Provincial Jail (na ang disenyo ay parang isang kastilyo tulad ng Old Bilibid at New Bilibid) upang maging mas malaking museong panlalawigan sa tulong ng pamahalaang panlalawigan.

Gayundin, binisita namin ang kinukumpuni rin ng NHCP na Gabaldon Hall ng dating Sorsogon East Central School na lalagyan ng isang museo para sa mga Gerilyang Pilipino sa Sorsogon noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig lalo na ang yunit ni Salvador Escudero na lolo sa tuhod ni Chiz Escudero. Kami ni Van ang nangangasiwa sa pagkukuwento ng buseo. Lalong titingkad ang kasaysayan ng Sorsogon at ang kahalagahan nito sa bansa kapag natapos ang mga proyektong ito ng NHCP.

The post Makasaysayan pala ang Lungsod ng Sorsogon appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *