Magkapatid agawan sa bahay at lupa

Dear Atty. Claire,
Una sa lahat, binabati ko po kayo nang magandang araw.

The post Magkapatid agawan sa bahay at lupa appeared first on Abante News Online.

magkapatid agawan sa bahay at lupa - Magkapatid agawan sa bahay at lupa
Abate Claire Castro Clear It - Magkapatid agawan sa bahay at lupa

Dear Atty. Claire,
Una sa lahat, binabati ko po kayo nang magandang araw.

Meron lang po sana akong itatanong tungkol sa Civil Case namin. Bahay at lupa ang pinag-aawayan na matagal nang ongoing. Almost 30 years na. Magkalaban ang nanay at Uncle ko. Magkapatid sila.

Nag­umpisa pa ang kasong ito noong buhay pa sila pero ngayon wala na sila kaming mga siblings na ang nagpatuloy. It’s now siblings against siblings.

Nag-file ng ejection ang nanay namin dahil ang kapatid niya ay pumasok sa bahay namin kasha I ang boong pamil­ya na walang pahintulot. Sa awa nang diyos, panalo kami from the Municipal Trial Court all the way to the Supreme Court.

May finali­ty na ang Supreme Court pero ayaw nilang umalis dahil kanila daw yung lupa. Naghain sila nang annulment of title dahil Fraud daw yung TITULO nang mother ko. Ang lupa ay pamana nang Lola namin sa nanay ko. Buhay pa ang Lola namin noong nagpatayo ang nanay ko nang bahay at nadoon silang lahat pero wala man lang kahit isa ang nag oppose. Nadoon din yung mga kapatid nila noong buhay pa sila. Panalo din po kami sa Annulment of Title from the RTC all the way to the Supreme Court. They filed an appeal followed by a Motion for Reconsideration (MR) pero talo pa rin sila. The last information from our Lawyer is that they filed another Motion for Reconsideration.

Puede ba yung ganoon? Pay May finality na ang SC, can they still file another MR? Yung last decision nang SC states: No more appeal, or letter, or any kind shall be entertained on this Case.
Maraming salamat po.
Regards,
Bill

Bill,
Nagtataka lamang ako na hindi pa sila napapaalis samantalang nanalo na kayo sa kasong ejectment na may finality na mula sa Supreme Court. Sa isang kaso ng ejectment ay maaari nang mapaalis ang mga taong kinasuhan kapag may desisyon na sa Regional Trial Court (RTC) matapos na madesisyunan ang kanilang apila (appeal) mula sa desisyon ng MetropolitanTrial Court o Municipal Trial Court (MTC). Ayon sa ating Rules on Summary Procedure Sec. 21. Appeal.

— The judgment or final order shall be appeala­ble to the appropriate regional trial court which shall decide the same in accordance with Section 22 of Batas Pambansa Blg. 129. The decision of the regional trial court in civil cases governed by this Rule, including forcible entry and unlawful detainer, shall be immediately executory, without prejudice to a further appeal that may be taken therefrom. Section 10 of Rule 70 shall be deemed repealed.

Maaari na kayong mag-file o maghain ng Motion for Execution at issuance ng Writ of Exe­cution sa decision sa kasong ejectment upang mapaalis sila kahit na nagsampa pa sila ng Petition for Annulment of Title.

Tungkol naman sa kasong Annulment of Title kung saan nanalo kayo ulit hanggang sa Supreme Court kahit na nag-file na sila ng Motion for Reconsideration ngunit nag-file muli ng Motion for Reconsideration sa pangalawang pagkakataon ay maaaring hindi na ito payagan ng Supreme Court ngunit ito ay depende pa rin kung ano ang nilalaman ng Second Motion for Reconsideration.

Hindi maaaring makapagsampa at pa­yagan ng Second Motion for Reconsideration kung walang Motion for Leave of Court to file Second Motion for Reconsideration na ang ibig sabihin ay dapat na humingi ng permiso muna bago ito payagang makonsidera. Sa kasong Ortigas and Company Limited Partnership v. Velasco 324 Phil. 483 (1996) ay sinabi ng Supreme Court na:

“A second motion for reconsideration is forbidden except for extraordinarily persuasive reasons, and only upon express leave first obtained.”

Bago pa man madesisyunan ng Second Motion for Reconsideration ay maghain kayo ng Motion for Execution sa MTC upang maisakatuparan (enforce) na ang desisyon para sa ejectment case at tuluyan na ninyo silang mapaalis sa inyong lupa.
Kung may katanu­ngan pa ay tumawag lamang sa 410-7624 o 922-0245 o mag email sa attorneyclaire@gmail.com

The post Magkapatid agawan sa bahay at lupa appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *