Magandang palaisipan

Ito ‘yung linya ng kantang naiisip ko tungkol sa isyu ng tubig. Na-imagine ko rin na ito ang sigaw sa isang eksena na, “may isang naliligo nang biglang nawala ang tulo ng tubig habang puno ng sabon ang kanyang mukha.

The post Magandang palaisipan appeared first on Abante News Online.

magandang palaisipan - Magandang palaisipan
Abante Noel Cabangon Dito sa Kanto - Magandang palaisipan

“Tubiiiiiiig, tubiiiiig!”
Ito ‘yung linya ng kantang naiisip ko tungkol sa isyu ng tubig. Na-imagine ko rin na ito ang sigaw sa isang eksena na, “may isang naliligo nang biglang nawala ang tulo ng tubig habang puno ng sabon ang kanyang mukha.

Sa hapdi ng kanyang mga mata sanhi ng sabon, ay napasigaw siya ng tuuuubiiiig!”
Magandang palaisipan.

Hindi malayo ang eksenang ganyan sa nararansan ngayon ng ilang mga tao sa Metro Manila. Kung hindi mahina ang tulo ng tubig, ay wala. Magtatanong ka sa sarili, paano na lang ‘yan kasisimula pa lang ng tag-init wala nang halos tubig? Ang mga mayayaman kaya sa Forbes Park ay gumagamit ng tabo sa pagligo?
Magandang palaisipan.

Ang nakapagtataka lang ay kung bakit ang mga nagdurusa sa problemang ito ay ang mga costumer ng Manila Water. Ang mga sinisilbihan ng Maynilad ay tila naglalangoy sa sagana ng tubig. Tila mas mabango ang mga kostumer ng Maynilad kaysa sa Manila Water dahil sa ang una’y nakakapaligo nang maayos.
Magandang palaisipan.

Marami nang mga sinasabing dahilan kung bakit nangyayari ito sa kasalukuyan. Ngunit marami sa mga sinasabing dahilan ang hindi tinatanggap ng mamamayan.

Nakapagtataka lang ‘yung tila kakulangan ng forecast sa pangyayari na ito. Kawalan ng sapat na pagresponde ng Manila Water para agarang tugunan ang problemang ito. Tila wala ring naka­handang paraan sa pagdating ng problemang ito. Tila hina­yaan na lang mangyari at nang mag-panic ang mga tao sa apektadong lugar. Hindi luma ang usapin ng tubig sa tuwing sasapit ang tag-init. Ngunit ito ay dapat pinaghahandaan ng mga kinauukulan.

Sinisisi ang kakulangan ng supply. Ang kakulangan sa lagusan o daluyan patu­ngong La Mesa Dam. Ang pagdami ng mga tao sa Metro Manila, na hindi naman lingid sa kaalaman ng mga nagnenegosyo ng tubig. Ngunit sa tingin ko isa lang ang dahilan, mahinang pangangasiwa. Ano ang mga ‘di nakita o pinabayaan na lang na mangyari? Nais na nilang magtaas ng presyo ng tubig kaya nangyayari itong mga nangyayari?

Magandang palaisipan.

Samantala, ipinahayag sa radyo na ginagawa naman daw ng may kinauukulan ang lahat para maayos ang problemang ito sa tubig ngunit hindi masabi kung kailan babalik sa normal ang daloy ng tubig at serbisyo ng Manila Water.
Magandang palaisipan.

The post Magandang palaisipan appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *