Mag-ingat sa manliligaw online

Dear Dra Holmes:
I met a European guy online. As our conversations continued, I realized I enjoyed talking to him, and I really liked his honesty, conversation and being very romantic. I fell in love with him.

The post Mag-ingat sa manliligaw online appeared first on Abante News Online.

mag ingat sa manliligaw online - Mag-ingat sa manliligaw online
Abante Dr Margarita Holmes Walang Bolahan 2019 1 1 - Mag-ingat sa manliligaw online

Dear Dra Holmes:
I met a European guy online. As our conversations continued, I realized I enjoyed talking to him, and I really liked his honesty, conversation and being very romantic. I fell in love with him.

But now he no longer initiates our conversations. Right now, I refrain from messaging him any further. Should I continue not messaging him first, or should I go ahead and continue being sweet to him even if he no longer initiates? Susan

Dear Susan:
Maraming salamat sa sulat mo. Una, dahil hindi pa kayo magkakilala sa tunay na buhay, sana paalala­hanan mo ang iyong sarili na maaaring hindi totoo ang lahat ng sinasabi ng lalaking ito. Maniwala ka lang kapag nakilala mo na siya nang personal, pero hindi pa 100%. Kapag nagkakilala na kayo nang personal, ang masasabi mo lang ay sigurado ka na siya ay lalaki at hindi babae, taga-Europe at hindi taga-Africa o Asia, at malapit sa edad na sinabi niya. Hindi mo pa alam ang kaniyang kalooban at kaniyang mga katangian.

Pero, sa katotohanan lang, mayroon na siyang ginawa na nagbibigay ng pahiwatig ng kaniyang katauhan: madali siyang magbago. Noong una, niligawan ka niya, siya ag naghahabol, at unang nangangamusta. Nagbago siya at gusto mong malaman kung bakit.

Maganda ang iyong balak, na tumigil ng pagsimula ng inyong pag-uusap para makita kung siya nanaman ang mag-uumpisa. Kung ‘yan nga ang mangyayari, maaaring magtuloy ang relasyon ninyo.

Pero ano ang gagawin mo kung hindi siya magsimula ng pag-uusap ninyo, Susan? Inaasahan ko na handa mo siyang bitawan/iwanan, Susan. Kung kaya niyang hindi makipag-usap sa iyo hanggang ikaw ang mag-umpisa ng inyong pag-uusap, ibig sabihin kaya niya na wala ka sa buahy niya. Hindi ito magandang basehan sa isang relasyon.

Kahit maaaring malungkot ang kinalabasan nito, maganda rin na nalaman mo ito kaagad, ‘di ba, Susan? Kaysa sa ma-inlove ka pa lalo sa kaniya, ‘yun pala wala siyang paninindigan sa inyong espesyal na pagkakaibigan. Ingat—MG Holmes

Si Dra Holmes at nagsusulat sa Abante sa Lunes, Miyerkules at Biyernes. Sulatan siya sa Facebook ni Dr Margarita Holmes http://www.facebook.com/drmargieholmes.

The post Mag-ingat sa manliligaw online appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *