Lotto jackpot winner dapat ibunyag ang pangalan

Panahon na upang pag-aralan ng Philippine Cha­rity Sweepstakes Office (PCSO) ang pagbabago ng patakaran sa mga jackpot winner ng la­rong lotto.

lotto jackpot winner dapat ibunyag ang pangalan - Lotto jackpot winner dapat ibunyag ang pangalan
Abante Ely Saludar Broadcasters Vies 2 - Lotto jackpot winner dapat ibunyag ang pangalan

Panahon na upang pag-aralan ng Philippine Cha­rity Sweepstakes Office (PCSO) ang pagbabago ng patakaran sa mga jackpot winner ng la­rong lotto.

Makakabuting ilantad sa publiko ang pangalan upang magkaroon naman ng katiyakan ang mga mananaya na totoong may nananalo sa lotto.

Maihahalintulad ito sa Estados Unidos na isinasapubliko ang mga jackpot lotto winner.

Sa ngayon ay hindi raw ibinubunyag at nais gawing sikreto ang mga nananalo sa lotto dahil umano sa usapin ng seguridad.

Mismong si Pangulong Duterte at ang PNP ang nagsasabi na maayos ang peace and order sa bansa at buma­baba na ang antas ng krimen.

Bukod dito, kung sinuman ang masu­werteng manalo sa jackpot ng lotto ay may kakayahan ito na kumuha ng mga bodyguard para sa kaniyang seguridad.

‘Yung mga bilyonaryo nga sa Pilipinas na nagmamay-ari ng malalaking negos­yo ay hindi naman nakikidnap at hindi nabibiktima ng mga kriminal.

Samantala, bukod sa pagbubulgar ng pangalan ng jackpot winner ay makakabu­ting magsagawa rin ng seminar ang PCSO sa lahat mga nananalo upang gabayan sa paggastos ng pera.

Kung magiging maayos ang paghawak ng pera ay makakatulong ito sa ating bansa dahil maaari itong maglagak ng negosyo na magbibigay ng trabaho sa mga kapwa Pilipino.

Pero kung hindi magagabayan ng PCSO ang mga jackpot winner lalo na ang mga mahihirap na mamamayan ay baka mauwi sa wala ang panalo at maaari rin nitong ikapahamak at maubos lang ang napanalunang pera.

Muling binuksan ang operasyon ng lotto dahil napatunayang wala umanong anomalya sa lotto draw pero kung makakatiyak naman ang mga mananaya na may totoong tao na nanalo ay malamang mas marami pa ang tumangkilik dito at lalong lumakas ang kita ng mga lotto outlet at makatulong sa paglago ng pondo mismo ng PCSO na mas mara­ming matutulungang mahihirap na mamamayan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *