Listahan ng mga napalayang convict dapat maisapinal

Hangad nating maisapinal na ang listahan ng mga convicts na dapat nang sumuko, ‘yan ang pangunahing isyu na ating tinalakay sa ating informal interaction noong Biyernes kasama ang Malacañang Press Corps.

listahan ng mga napalayang convict dapat maisapinal - Listahan ng mga napalayang convict dapat maisapinal
Karlo Nograles KalihimNatin 2 - Listahan ng mga napalayang convict dapat maisapinal

Hangad nating maisapinal na ang listahan ng mga convicts na dapat nang sumuko, ‘yan ang pangunahing isyu na ating tinalakay sa ating informal interaction noong Biyernes kasama ang Malacañang Press Corps.

Kailangan nang maisapinal ang kompletong listahan ng heinous crime convicts na napalaya dahil sa good conduct time allowance (GCTA), ito’y upang maipatupad na ng Philippine National Police (PNP) ang recommitment ng mga nakalaya – na may pinpoint accuracy.

Importante na ma-finalize na ‘yung listahan kung sino ‘yung fugitives, malaman natin ‘yung budget na kaila­ngan para ma-implement ‘yung bounty dahil sa listahan ibabase kung magkano ang ilalaang pondo ng Department of Budget and Management o ng Palasyo para sa ilalabas na pabuya sa makapagtuturo sa mga bilanggong hindi pa rin sumusuko.

Bagama’t sa ngayon ay marami nang nag-surrender, gustong makatiyak ng ating mga awtoridad na wala sila nakaligtaan, na walang makakasama o ipapasok sa final list na hindi dapat.

Noong Biyernes ay pansamantalang ipinagpaliban ng PNP ang pag-aresto sa mga bilanggong napalaya dahil sa GCTA dahil hindi pa ma-implement practically ng PNP ‘yung warrantless arrest hanggang ‘di nila nakukuha ‘yung final list sa Department of Justice (DOJ). Hindi naman ito suspension or delay sa direktiba ng pangulo dahil gusto lang nila [PNP] na may basehan o mapanghawakang listahan.

Bina-validate pa ng DOJ ang listahan ng mga napalaya na gagamitin ng PNP para tugisin ‘yung mga hindi sumunod sa utos ng pangulo na muling sumurender. Kaya makabubuti kung ma-finalize muna ‘yung listahan dahil sigurado namang andun ‘yan sa database ng Bureau of Corrections (BuCor).

Ang pagsu-surrender kasi ay hindi lang sa isang lugar, alam natin na kung saan sila kasalukuyang nakatira, even in regional areas ay doon sila maaaring sumuko sa pulisya kaya meron pang back and forth information sa pagitan ng PNP at DOJ.

Dapat busisiin at mapatunayan ng DOJ at BuCor kung sino ‘yung qualified, kung sino ‘yung disqualified sa GCTA kasi baka merong iba na nag-surrender na talagang qualified naman sa GCTA kaya kailangang mabigyan ng clearance – na applicable sa kanya ‘yung GCTA, tapos kung sino ‘yung mga dapat ibalik, ay kailangang ibalik natin sa kulungan.

Ayaw nating mailagay sa balag ng alanganin ang mga kababayan na­ting tunay na hinubog at binago ng pagkakapiit ang kaisipan, pagkatao at pagtingin sa buhay mula sa krimen at karahasan patungo sa kultura ng pagsisikap at matapat na hanapbuhay.

Bilang paglilinaw, hindi naman inaatras ‘yung arrest order ng pangulo.

Gaya ng sinabi ko, maaari pa ring ipatupad ngayon ng pulisya ang warrantless arrest, pero nais lang ng PNP ay mayroong pinpoint accuracy – kung sino talaga ‘yung hahanapin nila at sino ‘yung aarestuhin.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *