Libreng wi-fi sa mga estudyante, guro

May magandang balita ako para sa mga mag-aaral at guro sa Bicol region: Magkakaloob ang inyong lingkod ng libreng internet access sa state universities and colleges (SUCs), maging sa mga paaralan sa liblib na lugar ng rehiyon.

The post Libreng wi-fi sa mga estudyante, guro first appeared on Abante.

libreng wi fi sa mga estudyante guro - Libreng wi-fi sa mga estudyante, guro
Zaldy Co Bicolano Ako 3 750x430 1 - Libreng wi-fi sa mga estudyante, guro

May magandang balita ako para sa mga mag-aaral at guro sa Bicol region: Magkakaloob ang inyong lingkod ng libreng internet access sa state universities and colleges (SUCs), maging sa mga paaralan sa liblib na lugar ng rehiyon.

Batid ko ang malaking suliranin ng mga mag-aaral at guro, lalo na sa malalayong lugar, dahil sa kawalan ng computer at limitadong internet access. Dahil dito, hindi ako nag-atubiling tumulong sa kanila. Matapos ayusin ang ilang detalye, matagumpay nating nailunsad noong isang linggo ang programang “WIFI MO, SAGOT NG AKSYON CO.”

Ito ang ating tugon sa ipinatutupad na blended o distance learning education. Ito rin ay pagsunod sa kautusan ni Pangulong Rodrigo Duterte na wala munang face-to-face classes habang wala pang natutuklasang bakuna laban sa COVID-19. Prayoridad niya kasi ang kalusugan ng mga mag-aaral at guro.

Bukod sa SUCs at mga paaralan sa malalayong lugar, maglulunsad din tayo ng “Free Wi-Fi Zone” sa Embarcadero de Legazpi sa Legazpi, Albay sa tulong ng Department of Information and Communications Technology (DICT). Ang libreng Wi-Fi ay para sa mga mag-aaral at guro na nangangilangan ng internet connection para sa kanilang online classes.

At siyempre, upang tiyakin ang kanilang kalusugan at kaligtasan laban sa COVID-19, mahigpit na ipinatutupad sa lugar ang mga alituntunin ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases at ng lokal na pamahalaan. Ang pagsusuot ng facemask, face shield at pagsunod sa physical distancing ay mahigpit na ipatutupad sa free Wi-Fi zone.

Nakikipag-ugnayan rin ang Ako Bicol party list sa iba’t-ibang LGUs at kaukulang ahensiya upang mailatag ang mas malawak na free Wi-Fi project. Layunin nating makagawa at mapalaganap ang internet connectivity na mahalagang gamit ng mga mag-aaral at guro sa tinatawag nating ‘new normal’ ng edukasyon.

Namahagi rin ang inyong lingkod ng 16 na bagong computers para sa Bicol University, Rapu-Rapu LGU at sa Barangay Victory Village ng Legazpi City. Bahagi ito ng programang TECH4ED na ating inilunsad noong nakaraang linggo. Nakipag-ugnayan tayo sa DICT upang maisakatuparan ang proyektong ito dahil malaking papel ang ginagampanan ng computers sa online learning.

Nagpapasalamat tayo sa pagdalo sa programa nina BU President Arnulfo Mascarinas, Rapu-Rapu Mayor Ronaldo Galicia at DICT Engr. Antonio Bonganay at sa mga lumahok sa Zoom meeting.

Ang kagandahan ng TECH4ED program, makakatulong din ito sa mga Bicolano upang makahanap ng trabaho. Kung nais namang magtayo ng online business at magbenta ng pagkain at iba pang bagay sa pamamagitan ng internet, hindi na kailangang gumastos dahil ang programang ito ang magiging kaagapay sa prosesong ito.

Kasabay ng mga programang ito, itinodo na rin ng AKB ang pamamahagi ng face masks at alcohol upang maging ligtas sa COVID-19 ang mga mag-aaral guro at non-teaching staff sa darating na pasukan. Umaabot na sa 17 pampublikong paaralan ang naabot ng medical supplies mula sa Ako Bicol.

Muli, labis ang aking pasasalamat sa mga ahensyang kabalikat ng Ako Bicol sa patuloy nilang pagtulong at suporta sa mga Bicolano.

The post Libreng wi-fi sa mga estudyante, guro first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *