Libo-libong trabaho sa Japan, kasado na!

Nalagdaan na po ang Labor Cooperation Pact sa pagitan ng sa pagpapadala ng mga Pilipinong manggagawa sa ilalim ng bagong patakarang pang-imigrasyon ng Japan.

The post Libo-libong trabaho sa Japan, kasado na! appeared first on Abante News Online.

libo libong trabaho sa japan kasado na - Libo-libong trabaho sa Japan, kasado na!
Abante Sen Joel Villanueva Mr Trabaho - Libo-libong trabaho sa Japan, kasado na!

Nalagdaan na po ang Labor Cooperation Pact sa pagitan ng sa pagpapadala ng mga Pilipinong manggagawa sa ilalim ng bagong patakarang pang-imigrasyon ng Japan.

Tiyak na maraming Pinoy po ang nag-aabang dito lalo pa’t noong isang taon pa natin inanunsyo na posibleng umabot sa mahigit 100,000 trabaho o 35% po ng 350,000 dayuhang manggagawang kailangan sa Japan ang nakalaan para sa mga Pilipino.

Maraming trabaho po ang kailangang punan dahil sa nalalapit na pag-ho-host ng Japan ng 2020 Tokyo Olympics at sa patuloy na pag-usbong ng ekonomiya nito sa harap ng tumatandang populasyon.

Mahalaga po ang bagong kasunduan para maprotektahan ang ating kababayan laban sa mga ilegal na recruiter.

Simula ngayong Abril 11, sisimulan na po ang pag-proseso ng mga aplikasyon para sa skilled labor at mga propesyunal na nais magtungo sa nasabing bansa.

Alok po sa mga Pinoy ang trabaho sa health care, building maintenance, food services, industrial machinery, electronics, food manufacturing, agriculture, hospitality, construction, shipbuilding, fisheries and aquaculture, parts and tooling at aviation.

Mabibigyan po ng 5 taong visa ang mga matatanggap bilang ‘specified skilled worker’. Posible rin po ang mas matagal na visa basta may kuwalipikasyon ang isang manggagawa.

Makukuha po ng mga Pinoy ang lahat ng mga benepisyong tinatanggap ng mga Hapon o posibleng higit pa. Kailangan pong makapasa ang aplikante sa skill level test at Japanese proficiency na pinamamahalaan po ng Japan Foundation.

Bagama’t katuwang ng POEA ang mga pribadong recruitment agency, wala naman pong sisingiling placement fee ayon sa DOLE. Makikita po ang listahan ng mga awtorisadong recruitment agency sa POEA website.

Kaugnay nito, nanga­ngailangan din po ang Japan International Corporation of Welfare Services (JICWELS) ng 50 Pinoy nurse at 300 caregiver o kaigofukushishi para ma-deploy sa Japan sa ilalim ng programang Philippines-Japan Economic Partnership Agreement (PJEPA).

Hanggang Abril 30 po ang deadline ng pagsusumite ng requirements para sa mga nurse at caregiver.

May libo-libong job order din po sa ilalim naman ng Technical Internship Training Program (TITP) kung saan ide-deploy ang mga Pinoy bilang ‘trainee’ pero makatatanggap pa rin ng sahod at benepisyo gaya ng isang regular na manggagawa.

Dahil po sa mataas na demand sa mga Pinoy­ worker, inaasahan po nating malalagdaan agad ng Pangulo ang ating panukalang pagtatatag ng Office of Social Welfare Attache sa mga bansang may mataas na bilang ng mga Pinoy tulad ng Japan.

The post Libo-libong trabaho sa Japan, kasado na! appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *