Legislative agenda

Dagsa na ang ‘pet bills’ na inihain ng mga senador bilang paghahanda sa pagbubukas ng 18th Congress.

The post Legislative agenda appeared first on Abante News Online.

legislative agenda - Legislative agenda
Abante Milky Rigonan Bylines - Legislative agenda

Dagsa na ang ‘pet bills’ na inihain ng mga senador bilang paghahanda sa pagbubukas ng 18th Congress.

May kanya-kanyang version ang mga senador sa ilang mga panukalang tulad ng pagtaas ng sahod ng mga public school teacher, panukalang ibalik ang death penalty at iba pa.

Sa rekomendasyon ni Senator Sonny Angara, dapat ngayon pa lang, ilatag na ng Ma­lacañang kung ano ang mga priority bill ng Duterte administration sa pagbubukas ng 18th Congress. Kung merong common legislative agenda, sinabi ni Angara na mas matututukan at uunahin sa pagsisimula ng sesyon ang mga panukalang batas na prayoridad ng Palasyo.

Sa nakalipas na 17th Congress, malinaw ang marching order noon ni Pangulong Rodrigo Duterte na isulong ang federalism pero tulad ng inaasahan, hindi umusad ang panukala.

Hindi ito naitulak ni dating Senate President Koko Pimentel na siya ring pangulo ng administration party PDP-Laban kaya lalong lumabo nang si Senator Tito Sotto na ang Pa­ngulo ng Senado.

Mapapansin na wala na ring ingay tungkol sa federalism o ano mang tangka na mapalitan ang sistema ng gobyerno sa federal form mula sa kasalukuyang presidential form of government.

Kung pagbabasehan naman ang ‘pet bills’ ng mga bagitong senador na kinabibilangan nina Senators Ro­nald Bato dela Rosa at Christopher Bong Go, inihain na ang mga bersiyon ng death pe­nalty bill.

Death penalty by lethal injection ang nasa probisyon ng bill ni Go at firing squad naman ang version ni dela Rosa.

Dapat bang unahin ang pagtalakay sa death penalty bill sa pagbubukas ng 18th Congress?

Tiyak na mahahati hindi lamang ang posis­yon ng mga senador kundi ng iba’t ibang sektor sa isyu kung dapat ba o hindi na ibalik ang parusang kamatayan sa bansa.

Lalo pang magiging mainit ang pagtalakay kung pag-uusapan na ang mode of execution. Lethal injection? Firing squad?

Aminado si Senate President Tito Sotto na divisive ang isyu. Kung sa arangkada ng 18th Congress agad nang pag-uusapan ang death penalty bill, baka hindi na mapagtuunang-pansin ang iba pang mahahalagang panukalang batas.

Bakit nga naman ibubungad sa pagbubukas ng 18th Congress ang pagbabalik ng parusang kamatayan?

Dapat ay unahin ang mga dagdag na benepisyo lalo na sa mga manggagawa gaya ng 14th month pay sa lahat ng private employees.

Kung may common legislative agenda, maipararating ng Ma­lacañang sa dalawang kapulungan ng Kongreso kung ano ang mga bill na gustong mapagtibay agad ng Palasyo. Sana nga lang, huwag nang maging prayoridad ang mga dagdag na namang buwis.

The post Legislative agenda appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *