Kung gusto may paraan, ‘pag ayaw may dahilan

Gaya ng inaasahan mga tropapips, maraming kuskos-balungos na nangyayari sa term-sharing agreement sa posisyon ng House Speaker kina Taguig Representative Alan Peter Cayetano at Marinduque Representative Lord Allan Velasco.

The post Kung gusto may paraan, ‘pag ayaw may dahilan first appeared on Abante.

kung gusto may paraan pag ayaw may dahilan - Kung gusto may paraan, ‘pag ayaw may dahilan
spy on the job 10 - Kung gusto may paraan, ‘pag ayaw may dahilan

Gaya ng inaasahan mga tropapips, maraming kuskos-balungos na nangyayari sa term-sharing agreement sa posisyon ng House Speaker kina Taguig Representative Alan Peter Cayetano at Marinduque Representative Lord Allan Velasco.

Flashback muna tayo. Matapos ang halalan noong 2019, nagpormahan sina Cayetano, Velasco at Leyte Rep. Martin Romualdez na maging lider ng Kamara de Representantes, o Speaker, ang ika-apat na pinakamataas na posisyon sa bansa, sunod sa Pangulo, Bise Presidente at Senate President.

Pero bukod sa ikaapat na pinakamataas na pinuno ng bansa ang Speaker, aba’y hawak ng lider ng Kamara ang kumpas sa taunang pagdinig sa pondo ng pamahalaan–ika nga, the power of the purse.

Kung may problema ang isang ahensiya sa kaniyang pondo, puwedeng makiusap sa lider ng Kamara ang opisyal nito para na madagdagan ang kaniyang pondo. Pero siyempre, maaaring ding “makiusap” ang Speaker para sa kaniyang mga distrito at maging ang kaniyang mga kaalyadong mambabatas sakaling may proyektong maaaring makuha sa isang ahensiya.

At para hindi na maging “madugo” ang laban nina Cayetano, Velasco, at Romualdez sa speakership, nabuo ang “kasunduan” na may basbas ni President Mayor Digong Duterte na maghati na lang sa termino bilang lider ng Kamara sina Cayetano at Velasco, at si Romualdez ang magiging Majority Leader, na parang “vice speaker.”

Sa naturang kasunduan na nagsimula Hulyo 2019, si Cayetano ang unang uupong speaker sa loob ng 15 buwan, at pagkatapos ay si Velasco naman sa nalalaging 21 buwan ng administrasyon. At ngayong Oktubre dapat aalis si Cayetano sa puwesto para pumalit na si Velasco.

Ang kaso, maraming dahilan ang kampo ni Cayetano para huwag itong umalis sa puwesto. Nandiyan na idinadahilan na mahirap ang sitwasyon ngayon dahil sa COVID pandemic kaya hindi dapat magpalit ng liderato habang dinidinig ang 2021 budget.

Ngayon, mismong si Cayetano na ang nagsabi na gusto nitong manatiling speaker hanggang sa sumapit ang kaniyang birthday sa Oktubre 28 dahil sentimental daw sa kaniya at magdiriwang siya ng ika-50 kaarawan.

Sa kaniyang talumpati rin kamakailan, idinahilan ni Cayetano na hindi raw nagpapakita at nagtatrabaho si Velasco nitong nagkaroon ng pandemic at nagtago raw. May sinabi rin siyang hindi naman dapat apurahin ang pagtupad sa kasundahan at puwede naman daw ipagpaliban hanggang sa Disyembre. At kung anu-ano pang dahilan.

Dahil sa kawalan ng katiyakan na susunod si Cayetano sa kasunduan, aba’y kinailangan pa silang pulungin muli ni President Mayor Digon para ipaalala ang kasunduan na dapat tuparin. Hanggang sa maitakda nga na dapat bumaba sa puwesto si Cayetano sa Oktubre 14.

Aba’y kung hindi susundin ni Cayetano ang kasunduan, lilitaw na wala siyang isang salita, at sinuway pa niya si President Mayor Digong. Pero kahit nagpasabi siyang bababa sa puwesto, tila may babala pa rin siya kay Velasco na hindi makakaupong speaker o makukudeta kaagad.

Kung tutuusin, mukhang dehado sa ngayon sa bilang ng kaalyadong kongresista si Velasco kung kakailanganin ng botohan para sa speaker dahil magkasanib ng puwersa sina Cayetano at Romualdez.
Kaya kung nais ni Velasco na maging speaker, kailangang niyang magkaroon ng mahusay na emisaryo sa kampo ni Romualdez at huwag yugyugin nang todo ang mga nakapuwestong opisyal na mayroon kaniya-kaniyang tropang kongresista na puwedeng mag-alsa.

Ang ilan nating kurimaw sa Kamara, naniniwala na kahit maraming dahilan eh walang magagawa si Cayetano kung hindi ang bumaba sa puwesto para hindi siya maakusahan na hindi marunong tumupad sa kasunduan. Kaya lang, posible ring kapag bumaba siya eh muli siyang inomina at ibato ng mga kaalyado niya bilang speaker ulit.

At kung hindi man si Cayetano, baka may ibang “manok” silang ilalaban para madiskaril lang ang ambisyon ni Velasco. Alam niyo kung sino? Abangan. Laging tandaan: “Bata mo ‘ko at Ako ang Spy n’yo.”

The post Kung gusto may paraan, ‘pag ayaw may dahilan first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *