Kumilos at unahan ang bagyo

Dear Abante:
Napakasarap sa pakiramdam kapag umuulan dahil malamig at walang pasok sa trabaho’t eskuwelahan, relax-relax mode. Masarap matulog na parang ayaw mong bumangon sa higaan pero masarap ding humigop ng mainit na sabaw at uminom ng mainit.

kumilos at unahan ang bagyo - Kumilos at unahan ang bagyo
Sulat kay Editor - Kumilos at unahan ang bagyo

Dear Abante:
Napakasarap sa pakiramdam kapag umuulan dahil malamig at walang pasok sa trabaho’t eskuwelahan, relax-relax mode. Masarap matulog na parang ayaw mong bumangon sa higaan pero masarap ding humigop ng mainit na sabaw at uminom ng mainit.

‘Yun nga lang ‘pag masyadong malakas na ang ulan ay nakakakaba naman at baka matanggal ang bubungan sa lakas ng hangin at bumaha nang todo-todo.

Suwerte ang mga walang pasok sa kanilang trabaho kahapon kasi lubog sa tubig-baha ang Metro Manila sa walang tigil na pagbayo ni Habagat.

Kawawa naman ang mga taong kailangan pumasok, at ang mga bahay na pinasok ng tubig at ilan pa sa kanila ay nasira sa tindi ng hagupit ng ulan at hangin.

Maraming na-stranded dahil walang masakyan. Meron din akong nabasa na may ilang tao ang nalunod sa pag­ragasa ng baha.

Alam natin na hindi maiiwasan ang mga ganitong kalamidad pero sana naman ay may plano ang mga LGU at gobyerno sa mga ganitong sitwasyon upang walang nang masaktan o mawalan ng bahay lalo na walang ma-stranded sa kalye. Sana ay may mabilisang aksyon ang mga namumuno sa bawat lungsod at nauuna sila sa kalamidad, bago pa lang dumating ang bagyo ay may ginagawa na sila, at hindi ‘yung dumating na ang bagyo saka pa lamang sila kikilos.
Issa ng Moriones, Tondo

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *