Kontrobersiya sa Team Bea,Gerald, Julia may iniwang leksyon

Hindi kami Team Bea, Team Gerald o Team Julia pero sa kontrobersiyang kinasangkutan ng tatlo, isang matinding leksyon ang dapat nating makita — ang isyu ng cyberlibel.

kontrobersiya sa team beagerald julia may iniwang leksyon - Kontrobersiya sa Team Bea,Gerald, Julia may iniwang leksyon
Abante Kaye Dacer Aksyon Lady 2 - Kontrobersiya sa Team Bea,Gerald, Julia may iniwang leksyon

Hindi kami Team Bea, Team Gerald o Team Julia pero sa kontrobersiyang kinasangkutan ng tatlo, isang matinding leksyon ang dapat nating makita — ang isyu ng cyberlibel.

Sa naturang kontro­bersiya, matinding pamba-bash ang inabot ni Julia Barretto dahil lamang sa mga litrato kung saan magkasama sina Julia at ang kanyang leading man sa pelikulang ‘Bet­ween Maybes’ na nilagyan ng sangkatutak na malisya dahil naman sa ‘Enough’ na Instagram post ni Bea Alonzo.

Simple lang ang istorya: naghiwalay sina Bea at Gerald Anderson kung saan isinabit bilang third party si Julia. Kahit sa mga pangkaraniwang tao, nangyayari ang ganitong istorya pero dahil nga may kanya-kanyang supporters ang mga sangkot sa triangulo, matinding laitan at siraan ang nangyari.

Sa pangyayaring ito, kahit hindi kami maka-Team Julia, tama lamang ang ginawa niyang pagpalag. Artista man o ordinaryong tao, hindi dapat pumayag sa cyber bullying. Ang sinapit ni Julia ay isang halimbawa ng kasong papasok sa tinatawag na cyberlibel.

Anumang online posts na nakakasira ng reputasyon ng sinuman ay swak sa kasong cyberlibel. Nakasaad sa Cybercrime Prevention Act of 2012 na mapaparusahan ang anumang computer-related offenses gaya ng computer forgery, fraud and identity theft at content-related offenses na tulad ng cybersex, child pornography at cyberlibel.

Alalahanin nating may batas tayo na magbibigay ng proteksyon at magagamit para matapos ang culture of hate na nagiging trending na sa social media.
***

Kaso pa more! Tila ito ang peg ngayon ng kolumnistang si Ramon Tulfo dahil nagiging flavor of the month siya sa kasong libelo. Pinaka-latest na nagsampa ng kaso kay Tulfo si Bureau of Internal Revenue (BIR) chief Caesar Dulay.

Hindi nga kinaya ni Dulay ang mga banat ni Tulfo kaya nagsampa na ito ng kasong libel at cyberlibel laban sa beteranong kolumnista pati na sa mga opisyales ng Manila Times.

Ayon kay Dulay, ang mga nasabing column ay pawang walang katotohanan at nakakasira ng imahe ng isang opisyal at “not only directly pictured me as a corrupt official, an animal, a thief, minion of Satan, greedy bastard” at “maliciously portrayed me as a ‘criminal.’”

Sa gitna ng matitin­ding akusasyon, hindi nagpakita ng pagiging parehas si Tulfo dahil hindi nito binigyan ng pagkakataon ang kanyang inaakusahan na ipagtanggol ang sarili.

Kung ang isang bete­ranong mamamahayag ay bumabalewala sa responsible journa­lism, maling leksyon ang iiwan nito sa mga estudyante ng journa­lism at sa mga bago pa lamang gumagawa ng pangalan sa larangan ng pamamahayag.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *