Komyut, kalbaryo!

Kalbaryo talaga ang araw-araw na biyahe papunta sa trabaho o paaralan. Marami sa atin ang nakakaranas nito sapagkat hindi maganda ang ating public transport system. Atrasado ang sistema ng transportasyon ng bansa dahil na rin sa atrasadong ekonomiya dala na rin ng malawakang pamumulitika sa mga proyektong pang-masa. Isang basikong pangangailangan ang maginhawang tranportasyon sa lipunan sapagkat nakasalalay rin dito ang moda ng produksyon at ng ekonomiya.

komyut kalbaryo - Komyut, kalbaryo!
Sulat Kay Editor 22 - Komyut, kalbaryo!

Dear Abante:

Kalbaryo talaga ang araw-araw na biyahe papunta sa trabaho o paaralan. Marami sa atin ang nakakaranas nito sapagkat hindi maganda ang ating public transport system. Atrasado ang sistema ng transportasyon ng bansa dahil na rin sa atrasadong ekonomiya dala na rin ng malawakang pamumulitika sa mga proyektong pang-masa. Isang basikong pangangailangan ang maginhawang tranportasyon sa lipunan sapagkat nakasalalay rin dito ang moda ng produksyon at ng ekonomiya.

Kamakailan nga’y nasira ang isa sa pangunahing tren sa Metro Manila, ang LRT-2 na naglilingkod sa libo-libong mananakay sa Metro Manila. Matapos nito, sumabay pa ang komento ni Salvador Panelo na wala naman daw ‘transportation crisis’ sa bansa. Ito’y malaking kasinunga­lingan.

Palibhasa’y hindi siya namamasahe kaya wala siyang karanasan sa kalbaryo na nararansan ng milyong-milyong Pilipino makapasok at makauwi lamang nang maaga.

Dapat ituon ng pamahalaan ang mga reporma sa transportasyon sa bansa. Dapat maglikha ng mga kalidad na transportasyon. Dapat iregularisa ang pagbebenta ng mga pribadong sasakyan sa ating bansa. Magagawa lamang ito kung maisusulong ang pambansang industriyalisasyon sa ating lipunan. Sa pamamagitan nito makakapaglikha tayo ng sarili nating mga tren at sasakyan na makakatulong sa maginhawang biyahe.

Baybayin Andrada

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *