Kitakits

Matapos ang isa’t kalahating taon ng ating pakikipag-ugnayan sa pamamagitan ng kolum na ito, break muna ako ng 8 linggo dahil papasok na ang COMELEC ban sa mga kandidato para sa mga lokal na opisyal.

The post Kitakits appeared first on Abante News Online.

kitakits - Kitakits
Abante Strike Revilla Strike sa Trabaho - Kitakits

Matapos ang isa’t kalahating taon ng ating pakikipag-ugnayan sa pamamagitan ng kolum na ito, break muna ako ng 8 linggo dahil papasok na ang COMELEC ban sa mga kandidato para sa mga lokal na opisyal.

Muli ko kasing ihahain ang sarili at kakayahan para sa panibagong mandato bilang kinatawan ng ikalawang distrito ng lalawigan ng Cavite – ang lungsod ng Bacoor – sa Mababang Kapulungan ng Kongreso.

Mahalaga sa mga lingkod-bayan ang patuloy na pagkatok para sa sariwang suporta ng pinaglilingkuran. Ito ang layon ng demokrasya upang matiyak na ang mga nasa katungkulan ay nakaluklok ayon sa tiwala ng taumbayan dahil magkakaroon ng malaking ‘disconnect’ kung ang nasa puwesto ay hindi na pinagkakatiwalaan ng mamamayan.

Sa mga darating na araw, matatadtad ang buong bansa ng mga poster at banderitas at kung ano-anong masasayang jingle ang mariringgan hanggang sa kasulok-sulukan ng mga bayan-bayan. Sana, sa 45 days na kampanyang natitira, mangibabaw ang tunay na mensaheng kailangang marinig ng taumbayan – ang pangangailangan kumilos para bumuo at gumawa ng plano at aksyon, hindi ang husay na gumiba at magpakalat ng paninira sa kapwa.

May laging sinasabi si Kuya Bong – Senador Bong Revilla – mula noon pang Bise Gobernador siya ng Cavite. Ang politika 45 days lang yan sa lokal at 90 days lang sa nasyunal. Pagkatapos ng kampanyahan at halalan, dapat talikuran na ang pagkakaiba-iba at sa halip ay tumutok na sa mga kapwa at pare-parehong hangarin. Ang dumi at kalupitan ng politika ay kailangan nang mawakasan para tuluyan nang umusad ang bayan, at nagkakaisang mamamayan.

Ganun na lang muna. Hanggang sa muli. Kitakits!

The post Kitakits appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *