Kilusan kontra kagutuman aabante na

Matapos mailunsad natin noong Biyernes ang National Food Policy kasabay sa komemorasyon ng World Food Day kasama ang Department of Agriculture at si Secretary Willam Dar, sunud-sunod na ang ating natanggap na pagpapahayag ng suporta.

The post Kilusan kontra kagutuman aabante na first appeared on Abante.

kilusan kontra kagutuman aabante na - Kilusan kontra kagutuman aabante na
Karlo Nograles 4 - Kilusan kontra kagutuman aabante na

Matapos mailunsad natin noong Biyernes ang National Food Policy kasabay sa komemorasyon ng World Food Day kasama ang Department of Agriculture at si Secretary Willam Dar, sunud-sunod na ang ating natanggap na pagpapahayag ng suporta.

Ikinalulugod nating marinig ang kahandaan ng iba’t-ibang sektor, maliban sa mga ahensya ng gobyerno, na umambag sa giyerang ating ikinakasa laban sa kagutuman sa ating bansa.

Nandyan ang mga pamahalaang lokal sa pamamagitan nina Governor Presby Velasco ng Marinduque at ni Governor Dax Cua ng Quirino, ang mga pamantasan at unibersidad sa pamamagitan ni CHED Chairperson Popoy De Vera at ang maliliit na negosyante’t mangangalakal na kinakatawan ng Scaling Up Nutrition (SUN) Business Network na siyang nangunguna sa pagpapalawak ng pagtangkilik ng masustansyang produktong sinaliksik ng DOST FNRI.

Malaking tulong ang mga ito dahil nais nating makilahok ang lahat ng sektor sa ating pagsulong ng mga programang nilimbag, binalangkas at kukumpasan ang implementasyon ng Task Force Zero Hunger – sa pamamagitan ng kanilang pag-ambag ng kanilang kasanayan, katungkulan, at impluwensya sa mas malaking bahagi ng populasyon.

Ngayong linggo, tuluy-tuloy ang ating pakikipag-ugnayan sa mga kumpanyang pribado na nagpahayag din ng kanilang intensyong makiambag sa mas malaki at mas malawak na pagkilos ng lipunan para ating mapunan ang kakulangan sa masustansyang pagkain ng naghihirap nating mga kababayan.

Sa susunod na buwan, asahan ninyo ang paglulunsad ng mga gawaing nakatuon sa pagtugon, hindi lamang ng pamahalaan, kundi kasama ang mga sektor na aking nabanggit.

Kapag ganitong nakikilahok ang bawat isa, kompyansa tayong kaya nating lampasan ang hamon ng kagutuman lalo na’t kinakaharap pa rin natin ang banta sa kalusugang dala ng pandemyang COVID19.

Kritikal ang mga ganitong pagkilos dahil ayon sa mga eksperto, ang mga pagtugon ng mga gobyerno sa mundo ay mababalewala kung hindi sabay na tinutugunan ang iba pang mga mga kaugnay na suliraning epekto ng pandemya.

Hindi lamang ang mga nabanggit na sektor ang ating inaasahan. Nagsisimula na rin tayong makatanggap ng komunikasyon mula sa ating mga development partners mula sa ibayong dagat. Ang hiling lamang natin ay sasamahan tayo ng mas marami pa nating mga kababayan at sila’y makiisa sa laban nating ito kontra sa kagutuman.

Sa pagkilos na ito, mahalaga ang ambag ng lahat. Sabi nga natin: mas mabuti sa bayan kung samasama ang pagkilos dahil kung lahat ay kasali, lahat ay kasalo.

KLARO.

The post Kilusan kontra kagutuman aabante na first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *